Niana Guerrero pinangarap maging cashier, game pasukin ang showbiz

Niana Guerrero pinangarap maging cashier, game pasukin ang showbiz

Niana Guerrero

HINDI isinasara ng sikat na content creator at social media personality na si Niana Guerrero ang kanyang pinto para sa mundo ng showbiz.

Isa si Niana sa mga Pinoy online celebrities na may pinakamaraming followers sa kanyang mga social media accounts, kabilang na ang YouTube na may 15.7 subscribers na ngayon.

Imagine, isa lang naman sa mga follower ng dancer-vlogger ay ang idolo ng milyun-milyong tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, walang iba kundi ang South Korean singer at K-pop superstar na si Jungkook.

Bukod diyan, personal na ring nakilala ni Niana ang mga international stars na sina Billie Eilish, Sabrina Carpenter, Meghan Trainor, at GOT7 member Jay B.

Baka Bet Mo: Niana Guerrero nominado bilang ‘Favorite Asian Creator’ sa Kids’ Choice Award

Sa pakikipagchikahan ni Niana kay Tito Boy Abunda sa “Fast Talk” nitong Martes, September 17, ay napag-usapan nga kung paano nagsimula ang kanyang career sa pagsasayaw at sa pagba-vlog.


Halos sabay na nakilala si Niana ng publiko sa pagiging dancer at ang kuya niyang si Ranz Kyle na parehong naging most-followed Filipino online personalities sa loob lamang ng ilang taon.

Sa isang bahagi ng panayam ni Tito Boy sa dalaga ay natanong siya kung ano ang pangarap niya noong hindi pa siya kilala sa social media.

Sagot ng Gen Z star, nais daw niya noon na maging isang cashier. Hindi naman daw niya in-expect na maaabot niya ang ganitong estado ng kanyang buhay.

“Well, I always wanted to be a cashier. I’m very open to that,” sey ni Niana. Madalas daw kasi siyang isinasama noon ng kanyang nanay sa grocery.

“I’ve been telling my family na, when I was like five (years old) parang natutuwa ako sa mga cashier kasi I would go with my mom sa mga grocery po, ako ‘yung sumasama sa kaniya. Parang ang galing,” pagbabahagi ni Niana.

Naisip din daw niya ang maging baker noon dahil palagi niyang nakikita ang ina na nagbe-bake, “It’s either cashier or a baker parang ‘yun ‘yung naalala ko.”

Natanong din si Niana kung posible bang subukan din niya ang pasukin ang showbiz at mag-try sa aktingan.

“Right now since I’m doing all of like the whole social media thing, I’m really enjoying it but like, I don’t know, I’m not closing any doors,” sagot ni Niana.

Read more...