James nawalan ng mahigit P100-M dahil sa panloloko ng ex-business partner

James nawalan ng mahigit P100-M dahil sa panloloko ex-business partner

Liza Soberano at James Reid

NASULAT namin dito sa BANDERA noong 2023 sa pamamagitan ng blind item ang tungkol sa magkasosyo sa negosyo na hindi na nagkakasundo.

Ito’y dahil umano sa usaping pera na ayon sa aming source ay itinakbo raw ng foreigner partner nito palabas ng bansa.

Hanggang sa pinangalanan na namin noong naraang taon din kung sino ang mga ito — sina James Reid at business partner na si Jeffrey Oh na parehong ehekutibo ng Careless talent management na nilipatan ni Liza Soberano pagkatapos mag-expire ang kontrata niya kay Ogie Diaz.

Buwan ng Hulyo noong nakaraang taon din ay hinuli ng Bureau of Immigration agents si Jeffrey habang nasa opisina ng Careless sa Makati City dahil sa kawalan ng work permit o work visa sa Pilipinas na manggagaling sa Philippine government para legal itong makapagtrabaho rito sa bansa.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin ibinunyag na ama ni James Reid ang nagpaaresto kay Jeffrey Oh, paano na kaya ang Hollywood dream ni Liza Soberano?

Itinanggi rin ng singer-actor na may kinalaman ang amang si Ginoong Malcom Reid sa pagkakahuli kay Jeffrey base sa kumalat sa social media.

Anyway, naliwanagan na ang lahat nang makapanayam ni Ogie Diaz si James kasama ang abogadong si Atty. Rodel de Guzman sa kanyang YouTube channel na in-upload kahapon.


Naunang nilinaw na hindi na konektado si Liza bilang talent ng Careless Holdings Ltd. noon pang Hulyo 29, 2024 base rin sa inilabas na press statement kamakailan at si Jeffrey Hwamok Oh ay noong July 2, 2024 tinanggal sa kumpanya ni James.

Bukod sa Careless Holdings ay wala na rin si Jeffrey Oh sa Careless Music Manila, Inc., Careless Production OPC, Island City Music PH OPC, Premier Private Label, Inc., o Careless Group of Companies.

Bungad na tanong ni Ogie sa abogado ni James ay kung may gusto itong sabihin tungkol kay Jeffrey na dating manager din ni Liza.

Sabi muna ni James, “Actually, I met Atty. Rodel last year to help with a lot of the issues. When Jeff was originally arrested for immigration issues and we had hired attorney to look into the company and do an audit, to resolve and fix everything.”

Baka Bet Mo: Liza, James tuluyan nang nasira ang ‘relasyon’, JaDine magbabalik?

Ayon sa abogado ni James, “Si Liza ang kumausap sa amin para tulungan ang Careless Group at pag-aralan kung ano ‘yung mga nangyayari bandang August 2023.


“Naglabas kami ng audit findings at ipinaliwanag namin (at) kaharap si Jeffrey Oh na marami pang problema ang kumpanya pero ang unang nakita namin ay kulang ang papeles ni Jeffrey Oh para magtrabaho dito sa Pilipinas.

“Kaya nirekomenda namin sa kumpanya na alisin muna ‘yung mga kulang ang papeles at saka namin aayusin pa ‘yung ibang problema ng kumpanya at ang naging reminder ko nga kay James ay ang Careless ay iisa lang ang rehistradong may-ari kundi si James Reid lang.

“So, kung anuman ang problema ng kumpanya o ng tauhan niya ay siya ang madadawit kaya napag-usapan na namin na pormal nang alisin si Jeffrey Oh para alam ng publiko na wala ng relasyon si Jeffrey Oh du’n sa mga kumpanya,” paliwanag pa.

Nagpalabas daw ng Notice to the Public ang Careless sa mga broadsheets tungkol dito at alam ito ni Jeffrey Oh dahil kinausap (meeting) daw siya base sa kuwento ni Atty. de Guzman noong July 2 kaharap si James kung saan kakarating lang ng una mula sa Los Angeles, USA.

Pero bago naman pormal na tinanggal si Jeffrey Oh ay humingi ito ng isang araw para ayusin ang mga dokumento niya at willing pa raw siyang tulungan ng abogado para sa documentation ng mga report ng transaksyon niya hanggang sa na-postpone ng ilang beses at huli na nang malaman ng legal team ni James na lumipad na patungong Amerika ang kanyang kasosyo.


“Hindi na kami binalikan at nagpasabi sa kaibigan niya na ayaw na niyang makipag-usap sa amin at pinadalhan na lang namin siya ng sulat kasi marami siyang accountabilities (naiwan) dito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap,” paliwanag ni Atty. Rodel de Guzman.

At dito na inaming malaking pera ang nawawala sa kumpanya, “Dalawa (klase), siguro more than a hundred million ang mga naiwang obligasyon noong wala pa kami (hindi pa involved). At (ikalawa) ito yung obligasyong sinasabi naming huwag ka munang… dahil inaayos pa namin ang kumpanya hanggang sa may mga bagong obligasyong lumitaw na pinasok niya na hindi namin alam.

“Ginamit niya ang pangalan ng Careless, pangalan ng Island City na kumpanya rin ni James pati na rin ‘yung kumpanyang itinatayo naming private label ginamit din niya, so, nu’ng nag-meeting kami ni James ay doon lang niya nalamang maraming problema at may mga lumitaw pang ibang problema,” sabi ng abogado.

Tinanong ni Ogie kung nasaan si James Reid sa mga panahong iyon na marami na palang problema ang kumpanya niya.

Natawa muna ang singer-actor sa tanong sabay sabing, “Wow, where was I? I had no idea a lot of this was happening.

“It was actually happening for months and had kept me separate from the rest of my team, kept me in the dark about all of these business dealings telling me, ‘Oh nothing’s happening, I’ll let you know.’

“It wasn’t until I came forth and finally met with atty and explained to him all of the business dealings I had with him and all the relationships I had with Jeff.

“And how much money he owed me, the contracts that he never gave me, and finally when all of that came out, his official recommendation to terminate him and give him a chance to sign those contracts and make those deals right, wala, he left. He tricked me!

“I’ve been working with them for a very long time and it turns out he wasn’t the person he said he was,” paliwanag ng aktor.

Sa tanong kung magkano ang utang ni Jeffrey Oh kay James, “More than a hundred million is to me personally (personal money mo, say ni Ogie), that’s me personal and there’s more on other companies.”

Nabanggit din ang Music Festival na Wavy Baby sa Cebu na hindi natuloy, “He (Jeffrey Oh) was the one in-charge and..oh men, once again he kept me in the dark all about the situation of music festivals, all the sponsors things like that.

“And I didn’t find out only two days before the concert that he didn’t actually close any of the sponsors, so I ended up fronting almost the entire thing to which he promised to pay me back which never happened,” pagtatapat ni James.

“Sumakit ang ulo mo no’n?” tanong ni Ogie.

“Oh yeah!” natawang sagot ng aktor.

“Siguro ‘yun ang pinaka-stressful moment of my whole career or at least my business career but at the end of the day, I think his true colors showed and that he’a fraud!” diretsong sabi pa ni James.

At nabunutan na ng tinik ngayon ang ex manager ni Liza, “I’m very happy that he’s gone now and our entire team, our staff everyone is a lot happier that he’s (Jeffrey Oh) out of the picture and things are starting to make sense. Things are actually going very well for me, for the company, for the staff and it’s like good riddance.”

Tinanong ni Ogie kung magdedemanda si James, si Atty. Rodel de Guzman ang sumagot, “Pagkatapos ng audit namin at palagay ko doon din mauuwi talsga at basa ko sa mga nangyari hindi pa kasi kami tapos dahil may mga bagong dumarating na obligasyon na kay James sinisingil, e, hindi naman obligasyon ni James.”

Hirit ni James, “Even in other countries!”

“Parang ang nangyari kasi dahil pinresent niya bilang CEO (Chief Operating Officer) ng kumpanya, e, si James lang naman ang may-ari ng kumpanya at ‘yun angsinasabi naming delikado, so, legally si James ang hahabulin.”

Say ni James, “Yes actually they reached out to me (or) I got contacted with them explained the situation and I’ve been resolving and fixing all of these relationships (and) so far everything is working out some of these people I know personally.

“So, I was able to speak to them and tell them what happened and they understand , everyone’s been very understanding, very difficult what I had to go through and so they understand,” aniya pa.

Nabanggit din ni Atty. Rodel na nu’ng nakalabas ng detention cell si Jeffrey Oh ay lumipat na ito ng Amerika kaya hindi na sila nakakapag-usap ni James at nakakakuha naman ng update ang legal team ni James tungkol sa rati niyang empleyado.

“Hindi namin alam na hindi updated si James kasi nu’ng humingi siya ng meeting at humingi ng updates ay doon lang namin nalaman na hindi pala niya alam ang mga transaksyon na pinapasok ni Jeff.

Wala rin daw alam si Liza sa mga nangyayari sa Careless sa panahong naroon pa siya. “Liza was in the US most of the time. Actually, I had kept this under wraps. I was very discreet about dealing with this situation, I want to handle this legally and properly, quietly without creating so much drama,” pahayag ni James.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jeffrey Oh o ng kampo niya.

Read more...