Mark Andrew Yulo naniniwalang babalikan pa rin sila ni Carlos

Mark Andrew Yulo naniniwalang babalikan pa rin sila ni Carlos

Karl Eldrew Yulo, Carlos Yulo, Angelica at Mark Andrew Yulo

UMAASA at naniniwala pa rin si Mark Andrew Yulo na babalik at babalik sa kanilang pamilya ang anak ni 2-time Olympic gold medalist na si si Carlos Yulo.

Sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kanilang family, positibo pa rin ang tatay ni Caloy na maaayos at babalik din sa dati ang kanilang samahan at relasyon.

Muling nagsalita si Mark Andrew patungkol sa pag-alis ni Carlos sa kanilang poder matapos magdesisyon na makasama ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Nangyari ito sa Facebook Live ng isa pa niyang anak na si Karl Eldrew Yulo, kung saan napag-usapan nga nila ang kanyang kuya na nasa Paris uli ngayon para sa mga natanguang commitments.

Baka Bet Mo: Lumang post ni Angelica Yulo viral na: ‘I made sure na hindi kayo magugutom…’

Habang nagla-live si Karl sa FB, na ipinost din niya sa TikTok, may mga netizen na nagkomento na huwag sana niyang gayahin ang kanyang Kuya Caloy, lalo na ang ginawa nito at ni Chloe sa nanay nilang si Angelica Yulo.


Sinagot sila ni Eldrew at ipinagtanggol ang kapatid kasabay ng pagsasabing mabait naman daw ang kanyang Kuya Caloy, na sinang-ayunan din ng kanilang tatay.

Binasa ni Karl ang komento ng netizen, “‘Karl ‘wag gayahin kuya mo ah’. (Sabi ni Karl) Mabait naman po si Kuya, ‘wag po kayo mag-alala, mabait naman po si Kuya.”

Sey naman ni Mark Andrew, “Mabait naman ‘yan si Caloy, mabait ‘yang si Caloy, nararamdaman ko, mag-aano ‘yan, babalik ‘yan.”

Nitong nagdaang linggo ay hindi na niya napigilan ang maglabas ng sama ng loob kay Carlos sa pamamagitan ng social media. Talagang pinatutsadahan niya ang anak at si Chloe dahil hindi raw sinasagot ang kanyang tawag at text.

Baka Bet Mo: Chloe San Jose may banta kay Carlos kapag bumalik sa pamilya?

Gusto lang naman ng ama ni Carlos na patunayang hindi totoo ang akusasyon ng anak at ni Chloe na “magnanakaw” at “winaldas” ng asawa niyang si Angelica ang pera ng kanilang anak.

Pero sabi ni Mark, hindi raw nagre-reply at hindi rin sinasagot nina Carlos at Chloe ang kanyang tawag sa kabila ng pagme-message niya sa Facebook.

Nagsagutan si Mark at si Chloe sa comments section ng latest Facebook status ng Pinoy Olympic champ kung saan ipinaalam niyang babalik muna siya sa Paris para sa natanguang commitment.

Komento ni Mark sa post ng anak,  “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo.”

Sumagot naman dito si Chloe, “Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.

“Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy.

“Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay Caloy ay hinding hindi na po mananalo si Caloy,” sabi pa ni Chloe.

Read more...