Bardagulan, pasabog na plot twist sa Shining Inheritance, Widow’s War

Bardagulan, pasabog na plot twist sa Shining Inheritance, Widow's War

Bea Alonzo, Carla Abellana at Kyline Alcantara

NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewers nitong Lunes (September 9) sa pagdating ng newest family drama na “Shining Inheritance.”

Simula pa lang pero marami na ang na-hook sa kuwentong pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, kasama sina Paul Salas, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.

Consistent ang mataas na ratings ng serye at ang positive reviews mula sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Kate nahilo nang bongga nang pagtulungang saktan nina Kyline at Roxie

Komento ng isang viewer sa YouTube channel ng GMA Network, “Ang ganda ng bawat episode kaabang-abang. My new favorite show! Ang ganda ng storya at actingan!”


Marami pang bardagulan at pasabog na aabangan tuwing hapon kaya tutok lang sa “Shining Inheritance,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Hindi naman nauubusan ng plot twists at shocking revelations ang high-rating GMA Prime series na “Widows’ War” starring Bea Alonzo and Carla Abellana.

Gabi-gabi pa ring naghuhulaan ang avid viewers sa mga misteryong bumabalot sa Palacios Estate.

At ngayon, isa na namang mystery ang naganap matapos matagpuang patay si Peter (Brent Valdez).

Ang theory ng maraming fans, si Jerico (Royce Cabrera) raw ang pumatay kay Peter matapos nitong nakawin ang kanyang pagkatao bilang isang Palacios.

Pero ang lalong nagpapa-excite at nagpapagulo sa isip ng mga manonood, sino nga ba ang kasamang lalaki ni Aurora (Jean Garcia) sa kanyang secret room?

Siya nga ba ang mastermind sa kaliwa’t kanang murder mystery?

Tutukan ang “Widows’ War”, Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Read more...