MARAMING naka-relate sa pagiging emosyonal ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao nang magpaalam sa kanilang anak na si Princess.
Lumipad na patungong London ang daughter nilang si Mary Divine Grace Pacquiao o Princess para doon mag-aral ng college.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jinkee ng video clip ni Princess kung saan makikitang nagpapaalam ito sa kanyang sister na si Queenie.
Baka Bet Mo: 2 kasong isinampa laban kay Jomari Yllana ng dating dyowa ibinasura
Hinatid nina Jinkee, Manny at isa pa nilang anak na si Michael sa London si Princess kaya nagkaroon din sila ng chance na makapaglibot doon.
“Alis na si Princess for college. Wala gyud na sila nagbulag sukad karun lang na mag eskwela na sa London si Princess (aalis na si Princess for college. Hindi talaga sila naghiwalay mula noon ngayon lang na mag aaral na sa London si Princess), ang caption ni Jinkee sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “Hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha (naging emosyonal din ako habang pinanonood sa kanila).”
Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi ni Jinkee ang paglilibot at papamamasyal nila sa London.
Sabi niya sa caption, “Princess, I’m proud of you. I’m so excited for everything you are about to accomplish. We love you (so) much!
“Believe in yourself and all that you are. Know that there is something inside you that is greater than any obstacle,” dagdag na mensahe ni Jinkee sa anak.
Matatandaang nagtapos ng high school si Princess sa Brent International School last May. Nag-post din si Jinkee ng mga graduation photos sa kanyang IG page.
“Go confidently in the direction of your dreams! We are so excited of what God has in store for you! God loves you!” ang isinulat niya sa caption.
“Congratulations our dear @mpacquiaoo. We love you so much!
“I am truly blessed to be your parent. May your future be as bright as your heart. Congratulations on your graduation! Well done, my love,” sey ni Jinkee.
Noong mag-celebrate ng kanyang 17th birthday si Princess last October, 2023, ay nag-post si Manny ng madamdaming message para sa anak.
“17 and shining bright! Happy Birthday to my incredible daughter, @mpacquiaoo. We are so proud of you. Love you always! HAPPY BIRTHDAY!” pagbati pa ni Pacman.