Ai Ai aprub sa pag-join ni Angelica sa Mrs. Philippines, pero dapat…

Ai Ai aprub sa pag-join ni Angelica sa Mrs. Philippines, pero dapat...

Angelica Yulo at Ai Ai delas Alas

APRUB sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang pag-join ng nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa Mrs. Philippines pageant.

Wala raw siyang nakikitang isyu o problema sakaling magdesisyon ang kontrobersyal na ina ni Caloy sakaling sumali nga ito sa naturang beauty contest.

Sa katunayan, nagbigay pa ng ilang advice si Ai Ai kay Angelica para mas lumaki ang chance niya na mag-win sa pageant.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

Unang-una raw ay magpapayat muna ang nanay ni Carlos sa pamamagitan ng tamang exercise at diet para mas maging fit and fab ito pagdating sa rampahan.


Sa interview ng BANDERA sa Kapuso host-comedienne sa naganap na presscon ng “The Clash 2024″ kung saan nagbabalik siya bilang isa sa mga judge, natanong ang komedyana kung ano ang reaksyon niya sa mga kumukumbinsi kay Angelica na mag-join sa nasabing pageant.

Sey ni Ai Ai, susuportahan niya si Angelica kung anuman ang magiging desisyon nito tulad din ng pangako niya na makikipag-collab siya sa ina ni Caloy sa online selling.

“Magpaseksi ka muna bago tayo sumali doon. Pero sa question ang answer, mukhang panalo ka! Mukhang panalo sa question and answer ang lola mo, day!” sey ni Ai Ai.

“Pero kailangan magpa-bump muna tayo, mader, para winner ka! Dapat uuwi kang winner! Kasi kapag hindi, kapag lotlot (talunan), naku patay tayo diyan! Maba-bash tayo!” ang chika pa ng Comedy Queen.

Nauna nang nabanggit ng komedyana na payag na payag siyang makipag-collab kay Angelica sa live at online selling.

“Bibili talaga ako sa kanya. Team nanay kasi ako and whatever it is, kung anuman kaguluhan sa pamilya nila, ang nanay ay nanay. Pera lang ‘yun , pero mahirap manganak at hindi mababayaran ang pagluwal sa ‘yo,” pahayag ni Ai Ai.


Kuwento pa niya, nahanap na raw ng kaibigan niyang pari na si Fr. Allan si Angelica Yulo at plano nilang puntahan ang nanay ni Caloy pa siya mismo ang tumulong sa pagla-live selling nito.

“Gusto kong makipag-collaboration ng live selling sa kanya. Sasabihin kong ilabas niya lahat ang mga t-shirt na ibebenta niya, pati mga pampaputi. Nagsabi na nga ang mga faney ko na naging barkada ko na sa kanila ang sabon na orange, pampaputi ‘yun.

“Tatalakan ko ang mga hindi bibili sa live selling namin. Masaya ito at abangan nila. I-game natin ang collaboration ng live selling namin ni madir,” masayang chika pa ni Ai Ai.

Hirit pa niya, “Naku, pag-uusapan na naman ako nito dahil kay madir. Pero  ipaglalaban ko pa rin na team nanay ako kahit away-awayin pa ako,” aniya pa.

Read more...