Jericho ibinebenta ang bahay sa halagang P100-M: Sobrang mahal!

Jericho ibinebenta ang bahay sa halagang P100-M: Sobrang mahal!

Jericho Rosales

“HIRAP hanapan ng buyer kasi nasa P80 to P100 million ang presyo,” ang tsika sa amin ng broker na nagbebenta sa bahay ng aktor na si Jericho Rosales sa Grand Villas.

Ang nasabing bahay sa pagkakatanda namin ay ipinatayo ng aktor para sa ex-girlfriend niya pero hindi naman sila nagkatuluyan.

Kaya naman ipina-renovate ito ng aktor at siyang naging bahay nila ng ex-wife niyang si Kim Jones.

Na-feature na ang magandang bahay ng aktor sa mga magazine at maganda talaga ito bukod pa sa prime lot kaya hindi naman imposibleng aabot nga ito sa ganu’n kalaking halaga.

Baka Bet Mo: Sigaw ng SB19 fans, Stell at Pablo walang relasyon: Stop na yang ship-ship!

“Kasi dalawang bahay halos kaya nga may hallway na salamin papunta sa kabila. Maraminang tumingin at gusto naman nila, kaso ang mahal daw.


“Si ___ (kilalang negosyante) pina-check sa assistant niya tapos video call sila nagustuhan, e, hindi pa bumabalik. Wala namang tawag pa sa opisina,” tsika ng broker na kausap namin.

Dagdag pa niya, “Sana maibenta na, ang laki na ng gastos ni Jericho rito.”

Samantala, inalam namin kung saan na nakatira ang aktor ngayon at kung nakabili o nakapagpagawa na ng bagong bahay.

“Ay doon din sa isa pang hawak naming property (binanggit ang subdivision) nagre-rent muna siya,” kaswal na banggit sa amin.

Sabi namin, marami kaming kakilala na umupa na rin doon at hindi rin nakatagal dahil sobrang mahal.

Sana nga maibenta na ang bahay ng aktor para makabili na siya ng sariling bahay at hindi na umuupa.

Read more...