Pia hinamon, idemanda ang nagkakalat ng malilisyosong chika sa socmed

Pia hinamon, idemanda ang nagkakalat ng malilisyosong chika sa socmed

Pia Wurtzbach

“UNBOTHERED Queen” ang tawag ngayon ng mga supporters ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa gitna ng pang-iintriga sa pag-attend niya sa mga fashion week sa ibang bansa.

Inaakusahan kasi ang asawa ni Jeremy Jauncey na nagre-repost lang umano ng mga picture and video sa social media para lang palabasin na invited siya sa mga international fashion events.

Nagsimula ito nang mag-post si Pia sa Instagram na imbitado siya sa fashion show ng renowned Venezuelan fashion designer na si Carolina Herrera sa New York Fashion Week 2024.

Baka Bet Mo: Michael V ibinandera ang sikreto sa 30 years na pagsasama nila ni Ayoi

Pero aniya, hindi lang daw siya nakapasok sa venue dahil na-late siya nang ilang minuto.


“Color play at the @carolinaherrera runway,” ang caption ni Pia sa kanyang Instagram post last September 12.

“How can one miss their signature hues, bright yellows and not to mention, the polka dots?” dagdag pa niyang mensahe.

Ang ending, nagduda ang mga netizens kung talaga bang imbitado siya sa iba’t ibang fashion show at events dahil nga sa pag-repost niya ng video mula sa Carolina Herrera runway na unang in-upload sa @stylenotcom.

Pero mukhang aware naman si Pia sa mga mean comments ma ibinabato sa kanya ng mga bashers at haters sa socmed.

May mga nagsasabi pa nga na walang-wala talaga siya sa international fashion icon na si Heart Evangelista na legit ang mga nirarampahang fashion events sa iba’t ibang bansa.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing ‘late’ na siya sa pagpapakasal: Best decision ever!

Sa mga next IG post ni Pia, may mga nangnenega pa rin sa kanya partikular na sa ibinahagi niyang mga litrato kung saan sinabi niyang miss na miss na niya ang New York.

“I really missed #NewYork since watching my first runway show here, so it was amazing to be back. It felt great to create looks with my team again and reconnect and work with familiar faces…hello @marquis.bias! Stay tuned.

“The city’s bustling energy and vibrant atmosphere were just as thrilling as ever, even if the traffic did make me late for a few shows.

“Felt so bad to have missed the Carolina Herrera show by a few minutes. Decided to shoot the looks they sent and repost the curtain call to make it up to them. Expect more CH content coming through!


“Despite the chaos, the energy at New York Fashion Week this season was absolutely contagious. I’m definitely all set and ready for more,” ang mahabang caption ng TV host-actress.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens na tila dedma nga lang si Pia at mukhang wala namang pake sa nang-ookray sa kanya.

“Walang name namulot lang ata ng invi sa daanan.”

“I love that you included your CH invitation in the pictures. Pia showing receipts.”

“Your ability to stay composed despite these baseless accusations is admirable.”

“Sayang na sayang naman late ka queen… nextime gcng ng maaga wag muna uunahin mgpictorial sa gilid gilid yn tuloy late ka.”

“Hindi ganyan ang invitation ng Carolina Herrera. Post card lang yan. And dapat may name niya.”

“Dear Pia, i know you want to keep things in peace but things being thrown at you are way too much, disrespectful and inhumane. Please file a lawsuit against these people. They enjoy tainting your name. They bully you consciously. Enough is enough. Take some legal actions against these envious individuals.”

“Hindi lang siya nakapasok dahil nga late siya.”

“Late nga ba o hindi lang talaga invited?”

“How about bvlgari? Why she’s not in bvlgari shows as the friend of the house?”

Read more...