Valentine Rosales tinalakan si Chloe: Matuto kang gumalang

Valentine Rosales tinalakan si Chloe: Matuto kang gumalang

NAGBIGAY payo ang social media personality na si Valentine Rosales sa kontrobersyal na dyowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose.

Isang screenshot ng komento ng social media personality patungkol kay Chloe ang kumakalat ngayon sa social media.

Ang mga pahayag ni Valentine ay may kaugnay sa pagpatol nito sa mga pahayag ng pamilya ng kanyang dyowa hinggil sa iringan ng pamilya Yulo.

“Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo, di mo na dapat pinapatulan ‘yung ganyan. Kasi pag pinatulan mo para mas mababa ka pa kesa sa kanya. Dapat very Demure, Very Mindful, Very Sophisticated ka.

Baka Bet Mo: Kathryn hindi kailangan ng lalaki para lalong mag-shine – Valentine Rosales

“Di ka ba nasabihan ng parents mo? I am happy with you being together with Caloy pero learn to respect your elders. How you treat your partner’s parents reflects how you treat your parents as well,” saad ni Valentine.

Sinabihan rin niya na huwag na rin pansinin kung may mabasa itong “pagpaparinig” mula sa pamilya ni Caloy.

Sey pa ni Valentine, “Best thing to do is deadma block talagang wag pansinin and instead of creating a gap try to resolve and fix.

“Kung feeling mo talaga very toxic, stay silent and calm instead mag rebut ka. Remember no response is the best response.”

Shinare pa nga ni Valentine ang naturang screenshot kalakip ng dagdag mensahe niya kay Chloe.

“Love you Chloe Anjeleigh San Jose that is not worth your stress,” sabi pa ni Valentine.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na reaksyon si Chloe hinggil sa mensahe sa kanya ng social media personality.

Read more...