Capas judge pinuri ni Tolentino sa isyu ng hurisdiksyon sa kaso ni Guo

Capas judge pinuri ni Tolentino sa isyu ng hurisdiksyon sa kaso ni Guo

Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino si Tarlac court presiding judge Sarah Vedaña-delos Santos sa pag-amin na nagkamali ito nang akuin ang hurisdiksyon sa mga kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ngunit ang mas mahalaga, aniya, ay ang mga hakbang na ginawa ni delos Santos para iwasto ang kanyang pagkakamali.

PINURI ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino si Tarlac court presiding judge Sarah Vedaña-delos Santos sa pag-amin na nagkamali ito nang kanyang akuin ang hurisdiksyon sa mga kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ngunit ang mas mahalaga, aniya, ay ang mga hakbang na ginawa ni delos Santos para iwasto ang kanyang pagkakamali.

Ani Tolentino, ang desisyon ni Delos Santos na ibalik ang mga kaso ni Guo sa Executive Judge ng Capas Regional Trial Court (RTC), na sya namang naglipat nito sa Valenzuela City RTC, ay patunay na tama ang nauna nang posisyon ng senador na walang hurisdiksyon ang Capas RTC sa mga kaso ng dating alkalde.

“Salamat kay Honorable Judge delos Santos sa pag-amin sa kanyang pagkakamali, na nagpatunay naman na tama ang ating posisyon sa isyu ng hurisdiksyon.

Baka Bet Mo: Francis Tolentino nais ipa-ban sa Pilipinas ang ‘Barbie’, Risa Hontiveros may pakiusap sa mga sinehan

“Nararapat lang na ilipat ang mga kaso mula Tarlac tungo sa Valenzuela RTC para hindi imaimpluwensyahan ni Guo o ng mga galamay n’ya ang pagdinig dito,” pahayag ng senador.

Bilang abogado at propesor ng batas, pinaliwanag ni Tolentino na ang tanging hangad n’ya ay maiayon sa wastong ligal na proseso ang pag-usig ng pamahalaan kay Guo.

Magugunita na nagmosyon si Tolentino sa pagdinig ng Senado noong Lunes para igiit ng Mataas na Kapulungan ang kustodiya kay Guo, dahil tanging ang arrest warrant na inisyu umano nito ang naaayon sa batas.

Sa ilalim ng Section 2 ng RA 10660 ukol sa hurisdiksyon “…the cases falling under the jurisdiction of the Regional Trial Court under this section shall be tried in a judicial region *other than* where the official holds office.”

Ang bayan ng Bamban, kung saan nagsilbing alkalde si Guo ay nakapaloob sa judicial region ng Capas, Tarlac RTC na naunang umako sa hurisdiksyon ng mga kaso ng alkalde – taliwas sa RA 10660, at sa Office of the Court Administrator (OCA) Circular No. 10-2024.

Read more...