Doc Willie Ong may sarcoma cancer, nakuha raw sa stress

Doc Willie Ong may sarcoma cancer, nakuha raw sa stress

ANG “Duktor ng Bayan” na laging nagbibigay ng health tips sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel at Facebook account na si Doc Willie T. Ong ay lumalaban sa karamdaman niyang sarcoma cancer.

“I have a large abdominal cancer, it is serious but I will fight this battle. Para sa lahat ng cancer patients sa Pilipinas gagaling tayo ng sabay,” ito ang teaser ng vlog ni doc Willie.

Sa kanyang YouTube channel ngayong araw na may titulong, “My Battle Against Cancer” ay idinetalye niyang apat na araw na siyang naka-confine sa hospital at nagke-chemoteraphy.

Nauna rito ay na-admit na siya sa ibang ospital sa Maynila na inabot ng limang araw bago nalipat sa kasalukuyang ospital sa ibang bansaAt kung nasaan siya ngayon at dahil okay ang pakiramdam niya kaya naisip niyang mag-update sa sitwasyon niya ngayon.

Baka Bet Mo: ‘10 Bawal Kainin ng Seniors’ ni Doc Willie Ong trending sa YouTube: Hinay-hinay o iwas nalang tayo

Recorded na ang video na kinunan noong Agosto 29, Huwebes ng asawang si Doc Liza Ong.

Base sa detalyeng kuwento ni doc Willie sa panahon ng eleksyon 2022 ay okay naman siya pero may mga nararamdaman daw siyang parang may madilim at mabigat sa katawan niya at kahit ganito ay tuluy-tuloy pa rin ang medical mission/charity works niya sa iba’t ibang lugar.

“Napansin ko April 2023 medyo hirap na akong mag medical mission, Pag mainit ayaw ko na, hindi ko na kaya pag mainit, may hingal, pagod at paglunok ko parang ayaw na o hirap na.

“Kaya kung napapansin ninyo ‘yung vlogs ko na pag ang edad ay 60 at ang sintomas ng nagkaka-edad ay nanghihina, nahihilo, nagmamanas, pumapayat, lumiliit ang mga muscles at ini-expect ko sign lang ng aging.

“At pagdating ng October 2023 wala pang one year ago at nag 60th birthday na ako, senior na ako at doon na ako nakaramdam ng backpain. Matagal na akong may back pain pero this time (ibang sakit,” balik-tanaw ni doc Willie.

Sa video ay ipinakita ni doc Willie ang mga sugat na patuyo na at bakas daw ito ng mga biopsy niya.

“Biopsy sa baba at biopsy sa taas, ito ang pinakamasakit na biopsy, itong T10 o Thoracic Vertebrae. At yang part na ‘yan ang pinakamasakit at hindi na ako makahiga sa gabi. Kapag hihiga ako sa gabi, sasakit ang parteng iyon kaya bumili ako ng lazy boy (recliner), at nakakatulog ako. Pag naka-flat ako (mahiga) sasakit ng 1 to 2 hours parang nag spasm pero pag tinulugan mo, okay lang,” paglalarawan ng kilalng duktor.

At dahil dire-diretso ang sakit ay nagpa-ultrasound siya at blood test ay okay naman daw lahat sa madaling salita walang nakita.

“Pero nagtaka ako bakit ang backpain ko dati sa baba lang, bakit tumaas? Sabi ko baka nagbago ang kurba ng likod ko tapos lumubog (tinuro bandang ibaba) tapos sa taas lumobo?” sabi pa ni doc Willie na humingi ng pasensya dahil hinihingal siyang masalita dahil naka-chemo raw siya habanag kinukunan siya.

“Naka-chemo ako, pero ayaw kong lokohin ang followers ko, mahal ko ang followers ko, mahal ko kayo, maniwala kayo,” malumanay na sabi ni doc Willie.

Nitong Agosto 18 or 19 raw ay nakaramdam na siya ng matinding sakit na hindi na niya kinaya kaya nagpa-admit siya sa isang ospital sa Maynila ng Agosto 20.

At dito na nabanggit ni doc Willie na isa sa symptoms na napansin niya ay lumalaki ang tiyan niya at dahil nanghihina ay humiga siya sandali at pagkatapos ay nagpatulong na bumangon ulit.

Nagawa pang magbiro ni doc Willie na pinilit ngumiti, “(sabi sa akin)m docm bakit ka masungit? Hindi ako masungit, masakit eh. Huwag ninyo isiping masama ang tao.”

Tuloy pa, “so, sumakit sobra-sobra worst pain of my life, 10 out of 10 iiyak ka, buong gabi walang tulog. Mula sap ag-upo sa lazy boy sa gabi hanggang sumikat ang araw walang tulog dasal ng dasal humihiyaw buong gabi saksak-saksak hinto, saksak-saksak, hinto. Hindi moa lam anong posisyon (gagawin) for 3 days. Akala ko body spasm kasi walang makita sa labas.

“So dinala na ako sa ospital may mga test at doon na nakita ang mga kalaban at ang kalaban ay wala pang pangalan nu’ng una. Ang bukol na ito ay malaking-malaki raw . Isa sa pinakamalaking bukol na nakita nila (mga duktor) mga 16 centimeters (inuwestra), so, saan ito nagtago, bskit hindi ko nakapa?

“Nagtago (bukol) sa harap ng gulugod nakadikit sa puso, so lumali ng lumaki hanggang 16 centimeters at hindi mo makakapa sa likod at hindi mor in makakapa sa harap at dito lang (tummy), malaki na, so paglaki inipit niya ang esophagus kaya hindi na ako makalunok, inipit na ang artery kaya hindi ako makahinga, inipit n anito ang Inferior Vena Cava (IVC) magang-maga na ang paa ko.

“Natanggalan na ako ng apat na litro (tubig) pero maga pa rin kaya ang mga dugo ko sap aa hindi na makaakyat sa puso kaya barado na ito, barado na lahat at dahil diyan ang akyat ng dugo ko ay sa azygos veins.”

Nanilaw din daw ang mga mata ni doc Willie at medyo gumaan ang pakiramdam niya sa araw na binidyo niya ang sarili para i-esplika kung ano ang nangyari sa kanya para magkasakit ng cancer.

At dito nabanggit n ani doc Willie na hindi na kayang gamutin dito sa Pilipinas, “saka ko na kuwento ang mangyayari. Pero hindi na kaya (dito) ‘yung biopsy ko sa Pilipinas I have to wait one-week or more kasi maraming holidays.

“At feeling ko no’n mabubuhay lang ako 24 hours at sa tingin ko mamatay na ako kaya suwerte lang na nakapunta ako rito, nagmakaawa sa kaibigan ng isang kaibigan.

“Pagpunta ko rito grabe ang isang araw, umaga petscan, biopsy sa tanghali (at) kinabukasan may result ana, tatlong CT scan, tatlong angios. Hindi ako VIP (very important person) dito. Sabin fa nu’ng duktor hindi siya tumatangga ng cases, eh.

“May nagsabi lang sa duktor na kapag binuhay mo ang taong ito, hindi lang siya ang bubuhayin mom marami siyang mabubuhay. Kaya sng bilis talagang focus sa bukol,” kuwento ni doc Willie,

“At nalaman na ‘yung kalaban, ang pangalan sarcoma, very rare, very aggressive and very big at kaya rare dahil galing sa nerves at nagtago.

“Ako okay kung mabubuhay (ako) o hindi okay na ako, sabi ko nga sa inyo (followers) hindi ako nagsisinungaling at hndi ko ito itatago.”

Ang sakit na ito ni doc Willie ay nakuha raw niya sa stress.

“Kaya kayo ‘wag kayong magbabasa ng comments sa facebook na-stress ako sa mga bashers dshil hindi naman tunay ang mga sinasabi.

“Sobra kong mahal ang mga Pilipino, sobra kong mahal ang mahihirap tapos sasabihin nila ginagamit ko,” samnbit ni doc Willie.

Samantala, mabilis daw ang gamutan dahil 3 days chemo tapos maghihintay ng tatlong linggo at 3 days chemo ulit.

“Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer0 ay mahirap na kalaban. Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling). Sabi ng duktor ko wag na ako mag-diet, kainin ko lahat ang gusto ko tulad ng steak kasi kailangan ko ng protein, eggs. Sorry ang mga payo ko dati mag-diet pero dapat kainin lahat ng gusto, pero ako hindi ako puwedeng kumain ng marami mabobondat ako.

“So, that’s it first and second chemo tatanggalin nila tubig ko. Side effect ng chemo ay hingal even without chemo hingal, vomiting. Lahat ng na-experience ko ito ang nakitak ong na-experience ng mga kababayan ko mayaman o mahirap,” pahayag ni doc Willie.

As of now ay walang binanggit si doc Willie kung hanggang kailan siya mananatili sa ibang bansa pero u=himihingi siya ng panalangin n asana maging okay ang lahat.

Get well soon, Doc Willie.

Read more...