Rihanna, Christina Aguilera, Josh Groban, Floyd Mayweather Nakisimpatya Sa Pinas | Bandera

Rihanna, Christina Aguilera, Josh Groban, Floyd Mayweather Nakisimpatya Sa Pinas

Ervin Santiago - November 12, 2013 - 03:00 AM

RIHANNA, CHRISTINA, JOSH & FLOYD

HINDI lang mga local celebrities ang nagpahayag ng pakikisimpatya at nanawagan ng matinding panalangin para sa mga kababayan nating nasalanta ng super typhoon Yolanda sa Visayas region – pati ang mga Hollywood stars ay nakiisa na sa pagdadalamhati ng Pilipinas.

Unang-una na nga riyan ang Santo Papa na si Pope Francis at ang international singer na si Rihanna, ipinadaan pa nito sa kanyang Twitter account ang pakikiramay sa lahat ng mga pamilyang Pinoy na nawalan ng mga mahal sa buhay matapos ang bagyong Yolanda.

Nabasa rin namin sa mga social media ang pakikiisa sa pagdarasal at pagtawag ng tulong ng mga Hollywood stars na sina Christina Aguilera, Selena Gomez, Sarah Jessica Parker at Josh Groban.

Sey ni Sarah Jessica Parker (bida sa US TV series na Sex And The City) na kamakailan lang ay bumisita sa bansa para sa opening ng isang malaking mall sa Global City sa The Fort, “devastating” ang trahedyang naganap sa bansa.

Ayon naman kay Josh Groban, “My heart is heavy for the people of the Philippines tonight. Devastating.”

Hinikayat naman ng ex-girlfriend ni Justin Bieber na si Selena Gomez ang kanyang 17 million followers sa Twitter na suportahan ang UNICEF sa ginagawa nitong relief opertations, lalo na para sa mga batang Pinoy na nabiktima ng bagyo.

Nakisimpatya sa nangyari sa bansa ang Mexican superstar na si Thalia (original Marimar at Maria Mercedes) at ang Puerto Rican singer-actor na si Ricky Martin na nag-tweet ng, “Sending good thoughts and love to everyone in the Philippines and Vietnam.”

Hindi rin napigilan ni Christina Aguilera ang maawa sa kalagayan ngayon ng mga kababayan natin sa Kabisayaan kaya naman nanawagan siya sa kanyang mga kaibigan na magbigay din ng tulong para sa Pilipinas.

Pero ang talagang nag-trending sa social media ay ang pakikiramay ng American boxer na si Floyd Mayweather na kinainisan ng mga Filipino dahil sa kaangasan nito at sa ginawa nitong panlalait noon kay Manny Pacquiao. Sey ng boxer, “My thoughts and prayers are with everyone in the Philippines.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending