Carla Abellana inaming muntik magka-sepsis nang huling maospital

Carla Abellana inaming muntik magka-sepsis nang huling maospital

Therese Arceo - September 13, 2024 - 07:43 PM

Carla Abellana inaming muntik magka-sepsis nang huling maospital

INAMIN ng Kapuso actress na si Carla Abellana na muntikan nang mauwi sa sepsis ang kanyang kondisyon nang huli itong maospital.

Sa kanyang naging interview sa “24 Oras” ay sinabi nitong na-confine siya ng tatlong araw sa ospital at nagmakaawa na makauwi na.

Ngunit napag-alaman ni Carla na nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang kidney stones at urinary tract infection (UTI).

“Doon ko nalaman na may complications na pala, kidney stones, UTI, muntik nako mag-sepsis so na-confine ako for three days hanggang sa nag-beg na akong umuwi kasi na-miss ko na ‘yung mga aso ko tsaka kailangan ko na bumalik ng trabaho,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Carla Abellana naka-confine sa ospital: ‘I’ve been in so much pain!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pero thankfully pinayagan naman akong umuwi. Wala ng infection. Okay na clear na ‘yung blood test, x-ray, everything ano na lang talaga ubo,” dagdag pa ni Carla.

Matatandaang nitong Agosto lang nang ma-confine ang aktres ngunit hindi nito idinetalye kung ano ang naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Ang tanging nasabi lang ni Carla noon ay labis siyang nakararamdaman ng sakit at discomfort.

Ngayon ay naging bukas na nga ang aktres sa tunay na dahilan ng kanyang oagkakaospital.

Samantala, kamakailan lang ay naglabas ng pahayag si Carla ukol sa viral issue kung saan hindi pinapasok ang isang customer dahil sa kasama nitong alagang aspin kahit na ang claim ng restaurant sa Tagaytay ay pet-friendly ito.

“Dear establishments, please do not advertise as “pet friendly” if in fact you are breed-particular,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending