2 anak inireklamo ang ina dahil sa binitiwang masasakit na salita

2 anak inireklamo ang ina dahil sa binitiwang masasakit na salita

Ervin Santiago - September 13, 2024 - 02:20 PM

2 anak inireklamo ang ina dahil sa binitiwang masasakit na salita

“MALALIM ang paniniwala ko na ‘pag tayo ay madaling magbitaw ng masasakit na salita, kabaliktaran ang effect nu’n. Napakatagal magkaayusan. So let’s be careful.”

Ito ang paalala ni Sen. Pia Cayetano nang siya, kasama ang kanyang mga co-host na sina Alan Peter Cayetano at Boy Abunda, ay humarap sa isang kaso tungkol sa pamilya sa episode ng “CIA with BA” noong Linggo, Setyembre 8.

Sa segment na “Case 2 Face”, dumulog si Zeavs kasama ang ate niyang si Mygirl upang ireklamo ang kanilang ina na si Grace. Ayon kay Zeavs, sinaktan daw siya ng ina nu’ng araw na may hearing sa korte ang kapatid niya laban sa mga anak ni Rolando, ang kinakasama ng kanilang ina.

Baka Bet Mo: 2 anak ni Ruffa makadurog-puso ang mensahe para kay Alexa Gutierrez

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon pa kay Zeavs, sinabi raw ng ina na kung ipapakulong ng kapatid niya ang mga anak ng kinakasama, titigil siya sa pag-aaral ni Zeavs.

Ikinabahala ni Zeavs dahil gusto niyang mag-aral ng industrial engineering sa isang state university kung saan siya ay nakapasa na.

Ayon kay Zeavs, sinabi ni Grace na imbes na gamitin ang pera para sa kanyang pag-aaral, gagamitin ito para sa piyansa kung sakaling makulong ang mga anak ni Rolando.

Sa kanilang depensa, sinabi nina Grace at Rolando na puro luho lang ang inaatupag ni Zeavs. At kahit construction worker lang si Rolando, nabigyan pa rin siya ng laptop.

Lalong tumindi ang galit ng mga anak dahil sa masasakit na salitang binitiwan ng kanilang ina.

Sa gitna ng diskusyon, ipinaalala nina Sen. Alan Peter at Sen. Pia na kung magkakaisa ang pamilya, mas malayo ang mararating nila.

Si Rolando, bagaman hindi niya tunay na mga anak ang dalawang babae, ay inako niya ang responsibilidad, si Grace ay mapagmahal na ina, at sina Zeavs at Mygirl naman ay matatayog ang pangarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang una silang dumulog sa programa, ninais nina Zeavs at Mygirl na makulong ang kanilang ina, pero kalaunan ay humingi rin sila ng tawad. Lumapit din ang ina at humingi ng tawad, at mahigpit silang nagyakapan.

Nangako rin ang programa na magbibigay ng financial assistance para kay Zeavs upang makapagpatuloy ng pag-aaral at ganu’n din kay Mygirl na gustong mag-training bilang beautician.

Ang “CIA with BA” ay nagpapatuloy sa legasiya ng yumaong Sen. Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11 p.m. sa GMA, na may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending