BINIGYAN ng advice ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang dyowa ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose tungkol sa pakikipagrelasyon.
Partikular na binanggit ng Kapuso star ang tamang pakikitungo at pagrespeto sa nanay ng kanyang boyfriend na si Angelica Yulo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-usap si Carlos sa kanyang pamilya, partikular sa kanyang inang si Angelica at sa tatay niyang si Mark Andrew Yulo.
Marami ang naniniwala na si Chloe raw ang dahilan kung bakit patuloy na lumalayo ang loob ni Caloy sa kanyang pamilya, lalo na noong magtagumpay ito sa laban niya sa 2024 Paris Olympics kung saan nakapag-uwi siya ng dalawang medalyang ginto bilang gymnast.
Baka Bet Mo: Ai Ai nangako kay Angelica Yulo: Bibili ako sa live selling n’ya!
Nakausap ng BANDERA ang Comedy Queen at isa sa mga nagbabalik na judge sa bagong season ng “The Clash” sa GMA 7 at natanong nga namin siya tungkol sa patuloy na pinag-uusapang issue sa pamilya Yulo.
Sey ni Ms. Ai, sana raw ay dumating din ang araw na magkaayus-ayos sina Carlo at Chloe at ang pamilya nila para mas maging maligaya sila sa kanilang buhay.
May binitiwan din siya payo para kay Chloe bilang dyowa ni Carlos, “Kasi nanay yan, e. Kasi kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya girl, huwag mo siyang aawayin.
“At tsaka hindi ka pa asawa girl. Girlfriend ka pa lang. Pag asawa ka na, pwede na. Pero pag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin,” pahayag ni Ai Ai.
Paliwanag pa niya, “Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship.”
Sa tanong kung sinasabihan din ba niya ang mga kung paano sila dapat makitungo sa kanilang mga magiging in laws, “Oo, siyempre. Sinasabi ko, ‘O, anak ha, dapat marunong kang magluto. Dapat lagi mong tinutulungan mga in laws mo.
“Kailangan lagi kang may ‘po’ at ‘opo’, kasi magulang yun ng asawa mo, dapat nirerespeto mo,” aniya.
Wala raw naging problema si Ai Ai sa mga anak niya dahil bukod sa mababait ang mga ito ay masunurin at marespeto rin at naniniwala siya na maganda at maayos ang naging pagpapalaki niya sa mga ito.
“Kuntento rin sila, tsaka kasi pinalaki ko sila nang mag-isa lang ako, single mom. Kumbaga nakita nila yung paghihirap at pagsasakripisyo ko. So, I think wala silang masasabi dahil naibigay ko naman lahat sa kanila,” sabi pa niya.