Bimby tinutukso ni Darla kay BINI Mikha, may ‘crush’ ba?

Bimby tinutukso ni Darla kay BINI Mikha, may ‘crush’ ba?

Bimby, BINI Mikha

MUKHANG may hinahangaan ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby mula sa nation’s pop girl group na BINI!

Ito kasi ang naging topic ni Bimby kasama ang family friend at ABS-CBN writer na si Darla Sauler sa isang YouTube vlog.

Mapapanood na bumisita si Darla sa bahay nila Kris sa United Stated noong Agosto kung saan ipinagluto pa siya mismo ni Bimb ng spaghetti, pati ni Kris na ipinatikim ang nilutong nilaga.

Matapos ang kanilang food trip ay makikitang nakaupo sa sala sina Darla, Bimby at Josh na nagchichikahan sa harap ng camera.

“Darla is trying to set me up with someone e,” sey ni Bimby.

Baka Bet Mo: Bimby ibang klase kung tumingin sa attractive girls: ‘Straight siya!’

Hirit naman sa kanya ng writer, “Kasi crush mo ‘yun e. Crush mo si BINI Mikha.”

Itinanggi ito ng bunso ni Kris at nilinaw na tinutukso lamang daw siya dahil may mga nagsasabi na bagay sila ni Mikha.

Kasunod niyan, ibinunyag ni Bimby na nakilala na niya sa personal ang grupo at sila raw ay may picture pa.

“Kinikilig ka?” tanong sa kanya ni Darla.

Pag-amin naman sa kanya ng binata, “Of course, she’s a very beautiful girl.”

Siyempre, naitanong din ni Darla ang tungkol sa kalusugan ng kanyang ina at ang love life nito na doktor.

“[She’s] getting better,” sambit ni Bimby at sinabing umaasa silang makakauwi na ng Pilipinas very soon.

About naman sa pag-ibig ng ina, sinabi nito na, “Everything has their time and place…You know, it’s fate.”

Ilang taon na ring nasa abroad ang mag-inang Kris, Bimby at Josh para sa medical treatments ng una na nakikipaglaban sa autoimmune diseases.

Read more...