Carla ‘proud’ aspin lover, may pakiusap sa ‘pet-friendly’ establishments

Carla ‘proud’ aspin lover, may pakiusap sa ‘pet-friendly’ establishments

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

CERTIFIED aspin lover ang aktres na si Carla Abellana.

‘Yan ang proud na ibinandera mismo ni Carla sa kanyang Instagram post kamakailan lang matapos may mag-viral na isyu sa isang restaurant sa Tagaytay.

“I am Carla Abellana and I am a PROUD Aspin lover, advocate, adopter, fosterer and furmom,” caption ng aktres, kalakip ang selfie niya at ng fur baby na si Fly.

Kwento niya, “@pawsphilippines rescued her and her brother, Wing, a few years ago and I immediately adopted the two of them. Sadly, Wing passed away just a few months after.”

Nilinaw rin ni Carla na mukhang may breed ang kanyang aso na si Fly, pero isa raw itong mixed breed na aspin.

Baka Bet Mo: Hirit ng Aspin ni Heart na si Panda: Mas may breeding pa ako sa inyo!

“Fly Fly may look like she has a particular breed (she can be mistaken for a shih tzu, actually), but she and I are proud to say she is an Aspin, or an Aspin-mix,” kwento niya.

Panawagan ni Carla, “Regardless, dog breeds do not matter to us. Because for us, all dogs are one and the same [red heart emoji].”

Dagdag pa niya sa post, “Dear establishments, please do not advertise as ‘pet friendly’ if in fact you are breed-particular. Thank you.”

Magugunitang marami ang bumatikos sa Balay Dako sa Tagaytay matapos mag-post at mag-viral ang isang customer dahil sa umano’y naranasang diskriminasyon ng alaga niyang aspin.

Hindi kasi ito pinayagang makapasok dahil oversize umano ang aso, pero nang hanapan ng pet policy hinggil dito ay walang naipakita ang staff sa kanya.

Nagkaroon ng apology statement ang restaurant na ibinandera sa Facebook upang mag-sorry sa nagreklamong customer.

Ayon sa kanila, “misunderstanding” lamang ang nangyari hinggil sa kanilang pet policy.

Pero tila hindi pa rin nito napakalma ang mga nainis at nagalit na netizens at patuloy pa rin silang bina-bash dahil sa nangyari.

Read more...