Ryzza Mae ibinandera ang 1st day of school, nag-senior high sa FEU

Ryzza Mae ibinandera ang 1st day of school, nag-senior high sa FEU

PHOTO: Instagram/@ryzzamaedizon

MUKHANG nag-enjoy si Ryzza Mae Dizon sa unang araw ng kanyang klase bilang isang senior high school student.

Sa Instagram, masayang ibinandera ng Kapuso young star ang ilang pictures sa kanyang eskwelahan sa Far Eastern University (FEU).

Ipinakita ni Ryzza ang itsura ng kanyang eskwelahan, pati na rin ang “good luck” note na natanggap niya sa first day of school.

May video rin na tumatalon-talon at tila humihiyaw kasama ang kanyang mga kaklase.

“My first day as a tamaraw girly! turuuy [emojis],” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

Sa comment section, inihayag ng “Eat Bulaga” co-hosts ang kanilang excitement para kay Ryzza, kabilang na riyan sina Allan K at Miles Ocampo.

Bukod diyan, ni-repost din ng TV host-actress ang ilang pictures and videos mula sa ilang estudyante na makikitang nagpapa-picture sa kanya.

PHOTO: Instagram Story/@ryzzamaedizon

May shinare din si Ryzza na ang sabi ay, “Tumatanda na talaga tayo, [senior] high school na si Ryzza Mae Dizon. Nagcha-chacha lang siya kahapon ah.”

PHOTO: Instagram Story/@ryzzamaedizon

Kung maaalala, taong 2012 nang manalo si Ryzza sa “Little Miss Philippines” ng nasabing noontime show.

At diyan na nagsimula ang kanyang journey sa showbiz industry.

Taong 2013 nang magkaroon siya ng sariling talk show na pinamagatang “The Ryzza Mae Show.”

Tumampok din siya sa ilang pelikula, kabilang na ang “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako,” “My Little Bossings,” “Princess in the Palace,” at marami pang iba.

Read more...