“ONE year wiser!” Yan ang wish ng aktres at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles para sa kanyang birthday this year.
Nag-share ang wifey ni John Estrada ng mga photos sa kanyang Instagram account na kuha sa kanyang simple and intimate birthday celebration kasama ang mga mahal sa buhay.
Sa Brazil nagdiwang ng kanyang ika-41 kaarawan si Priscilla at base sa mga post niya sa social media, ilang beses siyang nagkaroon ng simpleng party.
“Like the Phoenix rising from its ashes, I am reborn. Happy Birthday to me!” ang caption ng aktres sa isa niyang IG post.
Sa isa namang video na ipinost niya sa Instagram, makikita ang pag-blow niya ng candle sa kanyang birthday cake.
Baka Bet Mo: Priscilla masaya pa rin sa piling ni John, pero umaming nasagad na!
Sabi niya sa kanyang wish, “One year wiser: that’s my wish for myself. Life may throw many challenges at me, but one thing I’m sure of by now is that nothing or no one can knock me down.
“Here’s to a life full of laughter and blessings, surrounded by the most amazing people.
“There is much more to celebrate. Let the laughter and joy begin. This year has been amazing so far! Time to have fun! Happy ReBirth Day to me!” mensahe pa ni Priscilla na balitang “nakipaghiwalay” muna pansamantala kay John dahil sa mga pinagdaraanan nilang marital issues.
Inamin din naman ng husband niyang si John Estrada na nagdesisyon sila ng kanyang misis na magkanya-kanya muna, “to take a break.”
Kasabay nito, mariin ding pinabulaanan ng aktor na may relasyon sila ng isang nagngangalang Lily Hallman, na nakilala lang daw niya nang magbakasyon siya sa Boracay.
Matatandaang inamin ni Priscilla noong April, 2023 na matindi ang pinagdaanan nila ni John sa pagsasama nila bilang mag-asawa at dahil daw yan sa third parry.
Pero sey ng dating beauty queen, mas pinili pa rin nila ni John na kapitan ang isa’t isa alang-alang sa kanilang pamilya.
Ikinasal ang mag-asawa noong 2011 at biniyayaan ng isang anak na babae noong 2012, si Anechka Estrada.