Dyosa Pockoh bakit hindi nakakasama sa mga kaso ng cyber libel?

Dyosa Pockoh bakit hindi nakakasama sa mga kaso ng cyber libel?

Ervin Santiago - September 12, 2024 - 12:10 AM

Dyosa Pockoh bakit hindi nakakasama sa mga kaso ng cyber libel?

Dyosa Pockoh at Aiko Melendez

AMINADO ang content creator at komedyanteng si Dyosa Pockoh na may “awkward” feeling kapag lumalabas siya sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Isa si Dyosa sa mga regular na napapanood bilang co-host sa “Showbiz Update” vlog ni Ogie kaya naman mas marami pa ngayon ang nakakakilala sa kanya.

In fairness, pang-aliw sa vlog nina Ogie si Dyosa Pockoh dahil sa mga nakakaloka at nakakatawang hirit at punchlines niya sa pakikipagchikahan sa kanyang mga kasamahan.

Baka Bet Mo: ‘Start-Up PH’ nina Bea at Alden pinagtalunan sa vlog ni Ogie Diaz: ‘Alam mo, ‘you’re so sama! So bad!’

Bentang-benta rin ang mga komento at reaksyon niya tungkol sa mga showbiz chika na ibinabalita ni Ogie sa kanilang mga manonood.

Sa panayam ng premyadong aktres at public servant na si Aiko Melendez kay Dyosa, napag-usapan nila ang cyber libel case na isinampa ni Bea Alonzo at ng ilan pang celebrities laban sa mga kasamahan niya sa kanilang vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francis Valle Suayan (@dyosapockoh12_official)


Dito inamin ng komedyante na may pagkakataon na naiilang at nag-aalangan siya sa pagbibigay ng balita tungkol sa mga artista.

“Medyo na-aano ako na hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Sanay naman ako makipag-ano, tsismosa din naman ako talaga sa tunay na buhay.

“‘Yung mga kaibigan ko, ganyan. Pero pag artista na at kita na ng buong universe na, ‘Ay! Ang tsismosa ng bakla,’ minsan naaalangan ako,” sey ni Dyosa kay Aiko.

Pero sabi ng komedyante, hindi naman sila inilalagay ni Ogie sa alanganin, “Pero nakaka-enjoy naman dahil si Tito Ogie naman, hindi naman niya kami parang ilalagay sa ano alanganin.”

Baka Bet Mo: Dyosa Pockoh ‘pinangaralan’ si Celeste Cortesi: Next time kahit di tawagin sa Top 16, pumunta pa rin sa harap!

Sa tanong kung bakit hindi siya nakasama sa mga sinampahan ng kasong cyber libel, “Actually ‘yung ano ako sa likod more on kung ano ‘yung isyu nagpapatawa lang ako doon.

“Binabali ko lang ‘yung ano nila, pinagtsitsismisan nila. Kaya laging kapag may mga demanda hindi ako lagi nakakasama, awa ng Diyos,” pahayag ng komedyante at vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


Nagbigay din si Dyosa Pockoh ng message para kay Ogie na itinuturing na rin niyang parang tunay na tatay, nanay at kapatid dahil sa ibinibigay nitong pagmamahal at tulong sa kanya.

“Maraming, maraming salamat dahil ang dami kong mga narating na hindi ko ine-expect dahil sa kanya.

“Sa vlogging ko na-suspend ako, na not recommended ‘yung page ko, at least merong showbiz update na hindi nawala na nandiyan pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit maraming sikat na influencers ngayon, parang feeling ko hindi pa rin ako nawawala kasi napapanood pa rin nila ako sa Showbiz Update. Kaya maraming, maraming salamat Tito Ogie,” pahayag ni Dyosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending