Ice pasabog ang SB19, BINI number sa ‘Videoke Hits: OPM Edition’
BUKAS na ang pinakaaabangang soldout birthday concert ni Ice Seguerra, ang “Videoke Hits: OPM Edition” na magaganap sa Music Museum.
Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa kayo para mapanood ito dahil nagdagdag pa ng isang show sa November 8, 2024, sa Music Museum pa rin.
Sa pangatlong edisyon ng “Videoke Hits” concert series ni Ice, punumpuno ng iconic OPM hits ang immersive experience na ito.
Pagsasamahin sa concert ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance, na siguradong magbibigay ng hindi malilimutang rendisyon ng mga paboritong OPM.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra ibinandera ang Top 4 song na laging kinakanta sa videoke
Kasama sa line-up ang mga kantang “Gento” ng SB19 at ang dance performance ni Ice sa “Salamin-Salamin” ng BINI. Kakantahin din ng OPM icon ang version niya ng “Isang Linggong Pag-ibig” ni Imelda Papin at “Anak” ni Freddie Aguilar sa “ICE-FIED” segment.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Ice para sa napakalaking suporta ng kanyang followers, “Hi guys! Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa akin.
View this post on Instagram
“Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat! At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang VIDEOKE HITS OPM EDITION.
“Bagong Date Idinagdag: Nobyembre 8, 2024 Dahil sa napakalaking demand, may isa pang show sa Nobyembre 8, 2024, para mabigyan ng pagkakataon ang mga fans na makisaya at maki-kanta sa ultimate sing-along concert,” ang social media post ng premyadong singer-songwriter.
Available na ang tickets mula P1,500 hanggang P7,000, kasama ang special perks para sa VVIP gaya ng Soundcheck Experience at Meet & Greet. Para sa ticket inquiries, kontakin ang Fire and Ice LIVE! sa 0917-542-0303 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.