Presyo ng concert ni Olivia Rodrigo abot-kaya, Pinoy fans nagpiyesta

Presyo ng concert ni Olivia Rodrigo abot-kaya, Pinoy fans nagpiyesta

NAPA-WOW ang mga Filipino fans sa presyo ng concery ticket ng Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Nakatakda kasing mag-concert ang dalaga sa Pilipinas ngayong taon.

Sa Facebook post ng Philippine Concerts nitong Martes, September 10, ibinandera nito ang details para sa paparating na concert ni Olivia.

At ang highlight? Nagkakahalaga lamang ng P1500 ang tickets para sa kanyang concert.

Baka Bet Mo: Olivia Rodrigo, Louis Partridge magdyowa na nga ba?

“Olivia Rodrigo live at the Philippine Arena on Oct. 5th. Ticket price is P1500 in all sections and will go on sale on Sep. 14th by Live Nation Philippines,” ayon sa caption kalakip ang poster para sa concert.

Kaya naman tila hindi makapaniwala ang mga fans dahil talaga namang abot-kaya ang presyo ng concert ng Fil-Am artist.

Bukod pa rito, walang bracket at random ang magiging seat mo na malalaman kapag releasing na ng ticket.

Mapupunta rin ang lahat ng proceeds ng kanyang concert sa foundation na sinusuportahan ni Olivia na “Fund 4 Good”.

Ang naturang foundation ay may layunin na makabuo ng isang makatwirang kinabukasan para sa mga kababaihan sa pagbibigay ng direct support sa mga ito ng community based non-profits.

Kaya naman agad itong umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang pasabog ni Olivia.

“Uy grabe to! Not a fan but super appreciate this! May ibang foreign artist na ba na gumawa ng ganito?” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “Not a fan, still gonna watch to appreciate good live performances. Let’s goooow! See you Olivia!”

“So freaking happy about this- no words can express how happy i am love you!!!” sey naman ng isa.

Read more...