Gabbi Garcia pinag-awayan daw nina Ruru at Bianca: Nakakaloka!

Gabbi Garcia pinag-awayan daw nina Ruru at Bianca: Nakakaloka!

NAG-REACT ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia tungkol sa chika na minsan siyang naging dahilan ng away ng magdyowang sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa inilabas na ulat ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” nitong Martes, September 10, natanong ang dalaga tungkol rito.

Ani Gabbi, naloka raw siya sa sinabi ng “It’s Showtime” contestant.

Para sa mga hindi aware, nagbalik na ang segment ng “It’s Showtime” na “Kalokalike Face 4” kung saan sumali si Kevin Dangcalan bilang kalokalike ni Ruru Madrid.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia waging-wagi rin sa Miss Universe PH 2024; join na next year?

Nagkataon naman na isa si Bianca sa mga hurado kaya natanong ni Vice kung sino ang artistang napag-awayan nila at ang sinagot ng nagpapanggap na Ruru ay si Gabbi raw.

Nagkatawanan naman ang mga hosts maging si Bianca sa tugon ng contestant.

Tinanong pa nga kung sinong Gabbi ba sa showbiz at nabanggit na nila ang mga artistang katulad ng pangalang binanggit ng contestant.

At maging ang Kapuso actress nga ay naloka sa mga pangyayari

“Nakakaloka lang si Kalokalike. Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga ‘to. Parang hindi ako ‘to,” pabirong sagot ni Gabbi.

Pero super happy naman daw siya sa relasyon ng kapwa Kapuso starts.

“Pero well, kidding aside, I’m happy for both Bianca and Ruru naman talaga, and it’s nice to see them happy din together,” sey pa ni Gabbi.

Sabagay, happily inlove rin naman ang Kapuso actress sa kanyang longtime boyfriend na si Khalil Ramos.

Read more...