Sofia Andres may ipinahanting na vlogger kay Joshua: ‘K*pal ka ba?

Sofia Andres may ipinahanting na vlogger kay Joshua: 'K*pal ka ba?

Sofia Andres at Malupiton

HINANTING talaga ng aktres at celebrity mom na si Sofia Andres ang content creator na si Joel Ravanera o mas kilala sa social media bilang “Malupiton.”

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinost ni Sofia ang litrato ni Malupiton kalakip ang panawagan niya sa mga netizens na tulungan siyang mahanap ang vlogger dahil may request siya rito.

“Mga bossing! Help me find this guy at magpapicture lang ako. Mahaba daw pila,” ang caption ni Sofia sa kanyang FB post.

“Send help Joshua Garcia,” dagdag mensahe pa niya sa kaibigang aktor na nabigyan na ng chance na makita sa personal si Malupiton.

Baka Bet Mo: Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Sa comments section ng FB post ng aktres ay diretsahang tinanong ni Malupiton sa Sofia, “Mam anong ginawa ko sa inyo baket nyoko hinahanap?”

Sagot agad ng aktres, “Joel Ravanera I love you!!!!! Pwede pa picture sayo? Kaso may pila daw. Kupal ka ba?”


Sandamakmak na reaksyon ang nabasa namin sa thread ng FB status ni Sofia, narito ang ilan.

“Joel Ravanera ito ba yung bebot mo man!”

“Joel Ravanera bossss BOSSSINNGGG ”

“Joel Ravanera Kinakabahan ako sa mga tanungan mo bossing parang may namumuong galit sa puso.”

Kasunod nito, nagbigay ng update si Sofia hinggil sa kanyang post. Nakapag-usap na raw sila ni Malupiton sa pamamagitan ng video call.

Aniya, “Tapos na ang pila. Salamat bossing! Malupiton Official.” Kalakip nito ang mga litrato na kuha sa kanilang video call.

Si Malupiton ay sumikat sa socmed dahil sa mga pampa-good vibes niyang content kabilang na ang nakakatuwa niyang pagra-rap at mga skit na kunwari’y nambubudol sa kanyang mga customer.

Read more...