Gerald sa pagliligtas ng buhay: That’s the feeling na hindi mo mabibili

Gerald sa pagliligtas ng buhay: That's the feeling na hindi mo mabibili

Gerald Anderson at Benedict Mique

“GUSTO ko maaksyon pero matindi rin ang puso!” Yan ang nais mangyari ni Direk Benedict Mique sa teleserye nina Gerald Anderson at Jessy Mendiola na “Nobody.”

Pagkatapos ng matagumpay niyang pelikula sa Netflix na “Lolo and the Kid” at sa bago niyang movie na “Maple Leaf Dreams” starring Kira Balinger and LA Santos na showing na sa mga sinehan sa September 25, sasabak agad si Direk Benedict sa bago niyang TV series.

Kung wala nang magiging problema, ngayong September or October na magsisumula ang shooting ng “Nobody” na unang pagtatambal nina Gerald at Jessy.

Baka Bet Mo: Angeline niregaluhan ng motor at kotse ang dating dyowa: OK lang naman kasi mahal ko….

“Gusto ko matinding action pero matindi ‘yung puso. Sabi ko, it’s two different worlds, ‘yung ginagawa namin. Sabi ko, ito mundo ng…si Gerald, may mundo siya na very family.

“Kaya naghahanap kami ng location na parang very Pasig, Sampaloc ganu’n, na may neighborhood. Kasi I want to feature ‘yung Filipino neighborhood, barangay. Na nandu’n ‘yung tao.


“Tapos well-loved siya, maski pulis siya. Tapos meron ‘yung mundo ng high-profile na mga kontrabida. So we want to mix that. So ‘yung action and family drama,” ang plano ni Direk Benedict para sa pagbabalik niya sa paggawa ng serye.

Ito ang comeback project ni Gerald after two years kaya naman excited na siyang humarap uli sa camera. Ang huling serye pa niya ay ang “A Family Affair” noong 2022.

Baka Bet Mo: Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na

“Masarap din magpahinga an na recharge ka. Mas ganado at excited ka.  Nakakapagod talaga yung trabaho namin na akala ng mga tao ay glitz and glamour lang. Papogi lang sa harap ng camera,” pahayag ng aktor sa mediacon ng “Nobody” na ginanap sa Studio 8 ng ABS-CBN.

“Pero mahirap siya talaga. Ngayon pa lang iniisip ko na kung gaano kahirap yung gagawin namin. Pero kapag gusto mo talaga may paraan. I watched a lot of movies. Nag-focus ako sa business.

“Sa dressing room, nasabi ko, ‘Wow lumaki ako rito talaga. I’ve been here for 18 or 19 years na. It’s so nostalgic. I’ve been through a lot dito. Sa pinagdaraanan namin sa company, kasama ako sa fight to bring it back.

“Despite wala kaming franchise or channel, we still give the best content and story. Kami pa rin. Asahan ninyo, we will give 200 percent sa audience who never left us,” pahayag pa ng boyfriend ni Julia Barretto.

Samantala, natanong ng BANDERA si Gerald tungkol sa viral rescue mission na ginawa niya noong kasagsagan ng bagyong Carina partikular na sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Dahil dito kasi ay binigyan ng “search and rescue medal” ang binata bilang Army reservist na may ranggong Auxiliary Commander sa Philippine Coast Guard.


Sabi ni Ge, “Hindi ko alam kung bakit malaking bagay siya sa ibang tao (yung buwis buhay na rescue mission sa typhoon Carina). It’s something you naturally do.

“So bumaha. And then pataas nang pataas (ang tubig). Yung mga kotse ko nailagay ko na sa mataas na lugar pero naiwan yung mga motor ko sa baba.

“Every 30 minutes, sumisilip ako sa bintana. Pataas ng pataas na yung tubig baka maabot na yung mga motor ko. Pero sinasabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro.

“After lunch, lampas-tuhod na. So tumakbo na ako para mailigtas na yung mga motor ko kasi apat yun eh. Yung isa nailipat namin sa hagdan. Tapos babalikan ko na yung isa, nakabukas kasi yung garahe ko, sakto may dumaan na inflatable pool sa harap ng garahe ko,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Patuloy niya, “Kukunin ko na sana yung pangalawang motor, sabi sa akin, ‘Sir, ang dami pang naipit doon sa dulo ng kalsada. Eh, ako yung kausap n’ya. Alangan naman sabihin ko sa kanya, ‘Sir good luck na lang. So that’s how it started honestly.

“So kinuha na namin yung inflatable pool. Yung mga motor nabaha. Lumubog talaga. Kesa mabaha yung mga tao, yung motor mapapaayos mo naman eh. Madali lang yan, eh.

“But there’s one situation na inisip ko na baka mapahamak ako rito. Hindi biro yung nangyari. Kasi sobrang bilis. Everytime we would comeback sa dulo ng kalsada kung saan pinakamataas (ang baha), pataas din siya nang pataas. May time na hindi na kami makalusot sa loob ng compound.

“Iba ang feeling kapag alam mo na ligtas na ang tao na ito. At dahil sa ginawa namin, makakapunta na s’ya sa tuyong lugar at makakatulog na rin siya ng mahimbing at wala na siya sa basa.

“That’s the feeling na hindi mo mabibili. Kahit na gaano ka kayaman at kahit na gaano karami ang motor mo, wala yang kapalit. Gusto ko rin ilabas yung feeling na yan sa show namin.

“Ang dami ko ng situation na binigay sa creative meeting namin na alam kong nangyari kasi nandu’n ako nu’ng nangyari yun, eh,” lahad ni Gerald.

Samantala, paglalarawan naman ni Gerald sa “Nobody,” “Hindi siya simpleng action series or hard drama. Tungkol ito sa journey ng mga tao na who go through that also.

“Siguro kapag nag start na kami, at may mapapanood na kayong trailer, malalaman na ninyo kung saan kami na-inspire sa kuwento na ito. Its very different because iba ang situation niya.

“I think of all us we feel na we’re a nobody minsan sa buhay natin. We doubt ourselves or sa mga situation kung kaya ba natin ito?

“Alam ko na maraming makaka-relate sa kwento nito. Sa title pa lang. This is going to be a difficult show physically, mentally and emotionally. But when you love what you do and medyo malapit sa puso ko ito, I’m going to give 150 percent dito,” sey pa ni Gerald.

Read more...