IKINASAL na ang TV and radio personality na si Kaladkaren sa kanyang long-time British partner na si Luke Wrightson nitong nagdaang Linggo, Setyembre 8.
Base sa mga larawang ipinost mismo ni Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay sa kanyang Instagram account, ginanap ang wedding nila ni Luke sa Scarbourough, North Yorkshire na isang resort town sa England.
Ang ganda ng mga larawan na kuha sa kasal nina Jervi at Luke na ang senaryo ay parang sa pelikula na halos abot na nila ang ulap.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kaladkaren balak magpakasal sa 2024, ano nga ba ang sikreto sa matagumpay na LDR?
Ayon sa content creator, LGBTQIA+ rights advocate at impersonator ng news anchor na si Karen Davila, dream wedding niya ito na talagang ibinigay ng kanyang asawa.
Ang caption ni Jervi sa wedding pictures nila ni Luke, “The Wrightsons. 8th of September 2024.
“Wedding in the clouds. (married couple and a ring emoji).
“Luke and I dreamed for a beautiful sunny day in this fantastic cliff top wedding venue in England. It’s supposed to have the best overlooking views in North Yorkshire.
“On our wedding day, ironically, the views were covered by a thick fog! It was almost zero visibility!!!!!! What a one in a million chance!
“Unlucky? Not at all. But marrying the love of my life surrounded by our dearest friends and families … makes me feel the luckiest woman alive! And hey, who else can say they got married in the clouds?!
“Mr. & Mrs L Wrightson.”
Umulan ng “congratulations” at “best wishes” sa comments section ng IG post ni Karen mula sa mga kaibigan nilang celebrities at libu-libo rin ang nag-like at nag-heart sa mga larawan.
Congratulations and best wishes Jervi and Luke!