FROM “Boy Kabado” to “Boy Panalo,” itinanghal na Ultimate Runner si Kokoy De Santos sa top-rating reality game show ng GMA 7 na “Running Man Philippines Season 2.”
Matapos sumabak sa matitinding games at mind-blowing mission, napatumba ni Kokoy sa final race ang mga kapwa runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Angel Guardian, at Miguel Tanfelix.
Bukod dito, mas naging exciting pa ang finale weekend ng show nang biglang umapir ang Season 1 runner na si Ruru Madrid.
Baka Bet Mo: Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa ‘lamasan’ sa ‘Your Mother’s Son’
In fairness, hindi naging madali para kay Kokoy ang naging journey niya sa season 2 ng “RMP” dahil talagang lahat ng kalaban niya ay competitive at ayaw ding magpatalo.
During one of the final missions, Kokoy had to overcome his fear of heights and rappel down an 11-meter lookout tower. Shookt ang lahat nang mag-second place ang aktor sa naturang challenge.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Kokoy ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters at kapwa celebrity runners.
“Maraming salamat sa inyong lahat na nagtiwala sa akin na kaya ko. Noong simula pa lang, may mga bagay na tumatakbo sa utak ko na kung bakit ako parte ng napakalaking proyekto na ito.
“Pero nandyan kayo para palaging ipaalala sa akin na kaya ko. Para sa inyo ito, sa pamilya ko, mga tropa ko at sa mga Kolokoys ko.
“Sa lahat ng bumubuo ng Running Man Philippines at sa mga co-runners ko, mahal ko kayo. Hanggang sa muli, tatakbo tayo ulit,” mensahe ni Kokoy.
Ilang fans ang bumati sa pagkapanalo ni Kokoy sa “Running Man Philippines season 2 at nagsabing dasurved niya ang maging champion.
“Soooo proud of Kokoy, he earned this! Sa lahat ng eps, hindi siya pinapalad manalo mag-isa, madalas minamalas at laging talo.”
“I’m impressed sa pinakita ni Kokoy dito, ang bilis niya mang-rip, nakakagulat HAHAHA. We witnessed Kokoy’s determination talaga para maipanalo ‘to and he did his best.”
“Already knew Kokoy would win this episode! He was already owning the show when he conquered his fear of heights. Congrats, Kokoy! You deserved it!”
“Go for season 3 please!! Parang ang bilis lang. Nakakatanggal kayo ng lungkot lalo na sa tulad ko na OFW. Eto ang palabas na na-enjoy namin ng parents ko.”
“No hassle, no drama, only pure fun and enjoyment! Cheers to successful season 2! Sana may next season na agad. Mamimiss ko kayo! Nandito lang kami para sa inyo.”