CEBU City — Wala nang batas na umiiral at nililimas na ng mga nagugutom ang mga tindahan, supermarkets, pati mga bodega, ayon kay Interior Secretary Mar Roxas.
Kahit saan ay nagkalat ang mga bangkay, kaya’t paano sisimulan ang pagbibilang sa mga ito? Anong sistema ang gagamitin?
Wala ring makitang mga pulis o sundalo na magpapairal ng kaayusan at huhulihin ang looters, dahil sila rin ay binagyo at namatayan ng pamilya o mga kamag-anak.
Ayon kay Roxas, kahit si Mayor Alfred Romualdez ay kailangan pa nilang iligtas mula sa bubong ng kanyang bahay.
“… Marami ang namatay dahil as we were walking and as we were going from place to place, may dalawa dito, may lima doon, may tatlo dito, parang ganun sir,” ulat ni Roxas kay Pangulong Aquino. “Even the mayor who lives in the barangay near the airport was holding on to his roof, ang Mayor ng Tacloban si Alfred. Kami pa ang nag save sa kanya dahil na isolate sila.”
Sa mga bodega ng Coca-Cola, agad na naubos ang kahun-kahong Wilkins. “All systems are down. We have no water, we have no power, we have no communication. This is the first time for us to use the cell phone,” ani Roxas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.