NAGSALITA na ang Kapuso actress na si Barbie Forteza tungkol sa mga natatanggap niyang batikos dahil sa pekeng kissing scene nila ng kanyang ka-love team na si David Licauco sa teleseryeng “Pulang Araw”.
Sa kanyang panayam sa “Updated with Nelson Canlas” nitong Huwebes, September 5, natanong ang dalaga patungkol sa nag-viral nilang scene ni David.
“Maraming nagba-bash. Hindi daw ako magaling na actress kasi hindi raw ako nagpapa-kiss. ‘Yon pala ‘yong batayan?” saad ni Barbie.
Bagamat fake kiss ang ginawa nila ni David, inamin ng aktres na pinaghandaan pa rin niya ang eksena nilang dalawa.
Baka Bet Mo: Barbie sa 1st kiss nila ni David sa ‘Pulang Araw’: Nataranta si self!
“Emotionally, ako, honestly, hindi naman mahirap i-motivate emotionally kasi very obvious ‘yong love ni Adelina and ni Hiroshi for each other so lamanan mo lang talaga ‘yon ng restraint and ‘yong pagiging forbidden, kasi hindi talaga sila pwede,” pagbabahagi ni Barbie.
Dagdag pa niya, “‘Yong gigil talaga, e. ‘Yong ‘Bakit? Naging magkaibigan tayo dati, pero bakit hindi natin pwede mahalin ‘yong isa’t isa?’”
Kuwento pa ni Barbie, may kabigatan ang hinihingi ng eksena.
“Alam mo ‘yong gano’ng pakiramdam na may mga tao na isa lang ‘yong nagmamahal, ‘yong isa hindi niya mahal ‘yong tao.
“Pero ang kaso kasi dito, parehas namin mahal ‘yong isa’t isa pero bakit hindi pwede?” sey pa ni Barbie.
Matatandaang sa kanyang X (dating Twitter), ibinahagi nito ang kanyang naramdaman sa naturang eksena.
Ani Barbie, “Actually habang iniintay namin ni David ng “magkakiss” bago lumabas si Sanya sa eksena, di ko sure kung dapat ba pumikit ako o dumilat kase si David, nakadilat at nakatingin lang saken. BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!”