TRULILI kaya na ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang aktor at aktres sa kanilang relasyon ay dahil demanding ang huli?
Tsika ng kaibigan ng aktor, “Selosa at demanding lola mo, hindi lang makatawag o pag hindi sinagot ng calls agad, away na. Ano sa kanya lang umiikot ang mundo ni (aktor)? May ibang ginagawa rin ‘yun tsaka magdyowa pa lang naman hindi naman mag-asawa.”
Ang tipo pa naman daw ng aktor ay ayaw niya ng tinatanong siya lagi ng kung anu-ano at hindi rin daw kasi siya ma-text o mahilig tumawag sa aktres kaya feeling ng huli ay may ibang ginagawa ito.
Baka Bet Mo: Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo
“E, isipin mo, one at a time magdyowa lolo mo ‘di ba? Hindi naman ‘yan nagsasabay-sabay kaya itong si (aktres) doon siya sumablay, maraming tanong-tanong, hate ni (aktor) ‘yun,” sabi pa ng kaibigan ng aktor.
At higit sa lahat, hindi naman pala boto ang mga kaibigan nila para sa kanilang dalawa kaya siguro napadali ang hiwalayan nila.
“Alam mo na, kapag umayaw ang mga taong nakapaligid eject na agad-agad,” tumawang sabi ng kaibigan ng aktor.
Pero ngayon ay pareho nang masaya ang ex-couple sa kanilang respective partners, pero ang problema lang hindi okay ang mag-ex.
“Ayaw nilang makita ang isa’t-isa,” tumawang biro ng aming source.
Huh? Pupwede ba ‘yun, e, nasa iisang network sila?
“Puwede nag-iiwasan sila, observe mo,” giit pa ng aming kausap.