NAPAKALAKING bahagi pala ng love story ng mag-asawang Beauty Gonzalez at Norman Crisologo ang iconic OPM band na Eraserheads.
Ipinagdiriwang nina Beauty at Norman ngayong taon ang kanilang 10th anniversary bilang magkarelasyon – mula nang una silang magkita at magkakilala.
Ayon kay Beauty, kahit 10 taon na ang nakalipas, in love na in love pa rin siya hanggang ngayon sa kanyang pinakamamahal na mister.
Baka Bet Mo: Anak ni Beauty sumabak na rin sa pag-aartista, pinaiyak agad sa eksena
Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang Kapuso actress ng sweet black-and-white selfie nila ni Norman at binalikan ang unang pagkakataon ng kanilang pagkikita taong 2014.
“Exactly 10 years ago today we met for the very first time,” ang pasakalye ni Beauty sa inilagay niyang caption.
Kuwento ng aktres, pareho silang um-attend noon sa Esquire Ball, kung saan nagkaroon ng reunion ang Eraserheads at nag-perform pa para sa lahat ng invited guests.
“Soon as we heard the first chords of ‘Alapaap,’ you grabbed my hands, ran to the dance floor… And since then have never let go. Literally.
Baka Bet Mo: Asawa ni Beauty tinamaan din ng COVID: I didn’t know what to do…I was going out of my mind
“You are still holding my hands at this moment, every minute of every day,” pag-alala pa ni Beauty.
“Wow !! 10 years is long in anyone’s books but especially glorious for us.
Multiplied, heightened and extended to last two lifetimes.
“We shall never fade.
“Hanggan sa Dulo ng Mundo, Ikaw pa rin, at Ako (red heart emoji),” ang buong mensahe ni Beauty kay Norman.
Nagpakasal si Beauty kay Norman na isang kilalang art curator noong 2017 at biniyayaan ng isang anak, si Olivia Ines.
Huling napanood ang aktres sa GMA afternoon drama series na “Stolen Life” at sa action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”. Muli siyang bibida sa upcoming Kapuso serye na “Prinsesa ng City Jail.”