Cassandra Ong tinawag na ‘genius’, nagsinungaling sa hearing?

Cassandra Ong tinawag na 'genius', nagsinungaling sa hearing

Cassandra Ong

“GENIUS” kung ilarawan ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante, Jr. si Cassandra Li Ong ng kumpanyang Whirlwind at Lucky South 99 POGO sa congressional hearing kahapon.

Say ng mambabatas, “Genius ito, elementary lang natapos pero pinapaikot mo si Congressman Dan Fernandez (Santa Rosa, Laguna representative) at napapaniwala pa.”

Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na base sa obserbasyon ng mga nakapanood sa hearing at mga kongresistang kasama sa Qualcomm ay tila close sina Cong. Dan at Cassie dahil nagtatawagan at nagkaka-text silang dalawa.

Baka Bet Mo: Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu

Natawa naman si Cong. Dan sa komento ni Cong. Abante, Jr., “We’re just trying to be lenient because okay naman nag-waiver na siya, ‘yun nga lang ang problem, she (Cassandra) withdrew, eh. Kaya nga bakit ganu’n?”

Ilang ulit kasing tinanong ni Cong. Pimentel ng Surigao del Sur 2nd District kung saan nag-aral at ano ang tinapos ni Cassandra Li Ong pero hindi nito sinasagot kaya isa si Cong. Abante sa nairita.

Aniya, “Cassie, why do you refuse to answer congressman Pimentel when he asked you about your schooling?”

“Hindi po kasi ako nakapagtapos, Mr. Chair,” sambit ni Cassandra.

“Hindi naman nakakahiya kung hindi ka nakapagtapos, gusto lang namin malaman kung saan ka nag-aral? ‘Yun ang tanong, di ba? Hindi naman tinanong kung saan ka nagtapos? San ka nag-aral, puwede bang sagutin mo ‘yun?” balik-tanong ni Cong. Abante.

“Mr. Chair marami po akong (school) na pinag-aralan po,” sagot ni Cassandra.

“Wala kang pinag-aralan o doon ka nag-aral sa China (at) hindi sa Manila?” tanong ulit ng kongresista.

“Ahhh, kick out student po ako,” nahiyang sagot ng dalaga.

“Kick out ka?” tanong uli ni Cong. Abante.

“Magaling, magaling! Ngayon lang ako nakakita ng hindi nag-aral at kickout na magaling sumagot sa hearing na ito. Ang mga nakausap mo mga congressman pero ang galing mong sumagot, ang galing mo kaming paikutin dito?” diing sabi ng kongresista ng Maynila.

Baka Bet Mo: Dan Fernandez iniintriga kay Cassandra Li Ong; past is past na kay Ivana?

Dagdag pa, “Ngayon lang ako nakakita Mr. Chair na isang babaeng 24 years old na walang pinag-aralan, drop out, nasakagot ng ganyang sagot sa hearing na ito. Pakisagot mo nga, Ms Cassie Ong?

“Hindi mo kayang sagutin aba’y magaling ka dahil napapaikot mo kaming lahat dito. Kanina pa ako nakikinig Mr. Chair at nakikita ko na marunong ka (Cassie), may alam ka, edukado ka, you tell me now na you’re refusing to answer the questions of congressman Pimentel on where you studied? Hindi naman namin kung anong antas ang pinag-aralan mo,” pahayag pa ng kongresista.

Hindi lang sina Cong. Abante at Cong. Pimentel ang iritable kay Cassandra Li Ong.

Bsse kasi sa kuwento ng dalaga, major stockholder siya ng Whirlwind Corporation dahil pag-aari niya ang 58% nito.

Hndi rin sinagot kung magkano ang nagastos ng Whirlwind sa pagpapatayo ng mga building kung saan umuupa ang Lucky South 99 POGO dahil kailangan pa nitong i-double check.

Kaya sabi ni Quezon City 2nd District Representative Jonathan Keith Flores, “You being the major stockholder does not know how much you spent for the 46 buildings kahit wall part lang?”

Ang katwiran ni Cassandra Li Ong, “Mr. Chair una po ay phase 1 po at saka sumunod ‘yung phase 2 and 3.”

Medyo tumaas na ang boses ni Cong. Flores dahil bakit hindi makapagbigay ng figures si Cassandra at laging katwiran ay itse-check muna niya.

Nasabihan ang dalaga na inconsistent ang mga sagot kaya naniniwalang nagsisinungaling ito ayon kay Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales, Jr..

Read more...