Kristine Hermosa nanganak na, Oyo Sotto proud dad sa Baby No. 6

Kristine Hermosa nanganak na, Oyo Sotto proud dad sa Baby No. 6

PHOTO: Instagram/@osotto

ISA nanamang blessing ang dumating sa celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.

Ipinanganak na kasi ang ika-anim nilang anak na si baby Isaiah Timothy!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Oyo sa kanyang Instagram account kamakailan lang kung saan ipinakita ng aktor ang picture ng limang anak, kasama ang newborn baby.

Ang caption niya sa post, “Testimony of God’s faithfulness. You deserve all praise and glory Lord Jesus Christ!”

Nilagay rin diyan ni Oyo ang pangalan na ibinigay nila sa anak na Isaiah Timothy, pati na rin ang petsa ng kapanganakan nito na isinilang noong September 4.

Baka Bet Mo: Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV

Nag-post din sa IG ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie at ipinasilip niya rin ang bagong apo.

“And just like that I am a happy grandma for the 9th time,” proud na sinabi ni Dina.

Wika pa niya, “Thank you Lord for granting a safe delivery for Tin and for bringing another healthy grandchild, Isaiah Timothy, into our family.”

Masayang-masaya rin ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa kung saan shinare niya sa IG Story ang post ni Oyo.

“Our very first blessing and most awaited for the month!” sey ni Kathleen sa bagong silang na pamangkin.

“Can’t wait to see you and the rest of your siblings!” Aniya pa.

Kasunod niyan ay ibinandera niya rin ang selfie picture ng kanyang kapatid kasama si baby Isaiah.

“‘Yung bagong panganak ka pero ito na ang pinakahulas that you can get. Paano ito Lord?! ‘Yung walang kahit anong makeup like her too!! ” biro niya sa caption.

Mensahe pa niya, “LOVE YOU TIN! Proud of you! Thank you Lord for blessing us with Timothy!!”

Aniya pa, “Excited to carry you Timothy!”

PHOTO: Instagram Stories/@kathermosa

Sa isang interview nitong taon lamang, sinabi ng mag-asawang Kristine at Oyo na nagsisilbing “entertainment” ang bonding ng kanilang pamilya dahil sa dami nila at ito raw ang ultimate gift na kanilang pinahahalagahan.

Inilarawan din nila ang kanilang malaking pamilya bilang “maingay, happy riot, and parang laging may party!”

Read more...