Oyo, Kristine mas gustong sa commercial lang lumabas ang mga anak
KUNG ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang tatanungin, ayaw muna nilang sumabak sa pag-aartista ang kanilang mga anak.
Alam na alam daw kasi ng celebrity couple ang hirap ng paggawa ng mga teleserye pati na rin ng pelikula kaya hindi muna nila ine-encourage ang mga anak na mag-artista.
Ayon kay Oyo, hindi naman sa nakikialam sila sa kagustuhan o sa mga pangarap ng lima nilang anak (magiging anim na dahil buntis uli si Tintin), mas gusto lang muna nilang ma-enjoy ng mga ito ang kanilang kabataan.
Baka Bet Mo: Kristine Hermosa ibinoto nga ba si Bongbong Marcos?
“Napag-usapan na namin yan actually ni Tin, pero sabi nga namin mas gusto sana namin sa mga anak namin na mas makita namin sila sa mga TV commercial,” ang sabi ni Oyo nang makachikahan ng BANDERA sa birthday celebration ng tatay niyang si Vic Sotto sa “Eat Bulaga” last Saturday.
Sey pa ng asawa ni Kristine, “Pero yung mga teleserye o soap, parang sinasabi namin sa kanila na mahirap yan, hindi biro yan. Puyatan talaga.
“For as long as na gusto nila yung ginagawa nila, as long as mahal nila yung ginagawa nila, yun naman ang importante. Basta nandito lang kami para sumuporta sa kanila,” aniya pa.
View this post on Instagram
Nauna rito, dinenay din ni Oyo na walang katotohanan ang chika na pinagbabawalan niyang bumalik sa pag-arte ang kanyang wifey na si Kristine.
Baka Bet Mo: Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV
Nang matanong kay Oyo kung payag ba siyang mag-artista uli si Tintin, “Okay lang naman sa akin kung gusto niya. Siya kasi ang may ayaw.
“Ayaw na niya sa mga drama. Nakakapagod daw,” dagdag pa ni Oyo. Feeling niya, baka raw tanggapin ni Tin kapag inalok siya ng sitcom.
Pero sa ngayon daw ay imposible pang magbalik sa aktingan si Kristine dahil buntis nga ang kanyang misis, “Puwede naman siguro after niyang makapanganak. Bale four months na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.