Ella Cruz pinalagan ang satire FB page: Ipapakulong ko kayo!

Ella Cruz pinalagan ang satire FB page: Ipapakulong ko kayo!

HINDI na nakapagtimpi ang dancer-actress na si Ella Cruz sa isang satire Facebook page na gumagamit ng kanyang mpangalan pati na rin ng kanyang mga larawan.

Nitong Lunes, September 2, nag-post ang dalaga sa kanyang Facebook page hinggil sa mga pekeng pages na gumagamit sa kanyang pangalan at larawan.

Batay sa post ni Ella, hindi ito ang unang beses na nag-post ang naturang page gamit ang kanyang pagkakakilanlan.

at ang latest post nga nito ay sinabi raw umano ng dalaga na hindi nito maintindihan kung bakit kailangang mag-suspend ng klase dahil sa bagyo.

Baka Bet Mo: Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya

“Hindi dapat hadlang ang malalakas na ulan at hangin sa pag-abot mo sa pangarap mo,” sey pa umano ni Ella ayon sa naturang page.

Kaya nama nhindi na nakatiis ang dalaga at kinol-out na nga ang naturang page para patigilin ito sa pagpapakalat ng fake news.

Ani Ella, “Unang beses na pinost nyo ko pinalampas ko pero etong pangalawa di ko pababayaan.”

Pagppatuloy pa niya, “Sa siyam na admin at lalo sayo Mina Okada na hindi kaya maglabas ng tunay na pangalan, na paborito akong topic dahil siguro mataas reach niyo kapag ako post nyo, gets ko naman na trabaho nyo yan at paninira at pagkakalat ng maling impormasyon ang nagpapalamon sa inyo kaya sige ibibigay ko na yung pansin na hinahanap nyo.”

Bagamat aware siya na isang satire ang naturang Facebook page ay marami pa rin daw kasi ang naniniwala sa mga posts nito.

“Nakakalungkot na sadyang andaming naniniwala agad sa mga UNANG NABABASA lamang nila. Lahat na lang paniniwalaan agad, lahat na lang may nasasabi agad. Nakakalungkot na ganun na tayo kabilis maniwala sa kung ano lamang una natin nakikita.”

Sa hiwalay namang post ay sinabi ni Ella ang mga code na ginagamoit ng siya na admin ng Ppop latest chika updatez FB page.

“Pangako. Ipakukulong ko kayo: Winter Xoda, Una Vittia, Miyeon Archive, Jiyun Hwee,Kenzo Shibama, Analyn Restricted, Thalia Huxley, Mina Okada, Lucy Pearl, Analyn Restricted II.”

Read more...