TULOY pa rin ang pagtatanggol at pagproteka ng mga fans sa mga miyembro ng P-pop group na BINI laban sa mga bastos at manyak na netizens.
Kinondena nila ang mga naglalabasang malilisyosong “deepfake” sa social media kung saan sine-sexualize at ginagawan ng mga pekeng photos at videos ng mga members ng BINI.
Nagbanta pa nga ang iba’t ibang fans club ng all-female group na magsasagawa ng malawakang protesta sa harap ng ABS-CBN building dahil feeling nila ay walang ginagawa ang Star Magic laban sa pambabastos at panghaharas sa kanilang mga idolo.
Kasunod nga nito ang paglalabas ng Star Magic ng official statement hinggil sa pagkalat ng deepfakes involving BINI members na pinagpipiyestahan ngayon ng mga manyak na netizens.
Baka Bet mo: Mga ‘nambababoy’ sa BINI sa social media kakasuhan ng Star Magic
Sa katunayan ilang araw ding trending ang #ProtectBini dahil sa walang tigil na pagkalampag ng mga fans sa Star Magic para sa gagawin nitong aksyon upang ipagtanggol at protektahan ang all-female group.
Ilang BINI fans din ang nagbigay ng warning sa grupo na mag-ingat sa pagtanggap ng mga regalo mula sa nagpapakilalang fans dahil marami sa mga ito ang pinaniniwalaang sangkot sa pagpapakalat ng pinekeng mahahalay na litrato at video sa socmed.
“Girl please refrain or be very careful when accepting gifts from some groups of individuals who are posing as Blooms. Yung iba kasi naglalagay ng mga camera sa mga regalo nila to invade your privacy, and then ipapakalat at ibebenta nila ang mga nairecord sa planted cam,” ang warning ng isang BINI fan.
Narito naman ilang reaksyon ng netizens sa ipinost na official statement ng Star Magic sa kanilang Instagram page tungkol sa mga nambababoy sa BINI sa pamamagitan ng socmed.
“It’s about time maging accountable yung mga manyakis na gumagawa nun.”
“Daming nasasabi mga iba dito, nkalimutan nyo ata kung ano sinabi ni Jho nung anniversary nila .bat parang limot nyo na, yan kayo ehh hahanap kayo ng pagbubuntungan ng galit nyo tas lagi management, management na bumuo ng Bini, management na pinaglaban ang Bini sa panahong nag shutdown ang Abs. Kung di nyo kayang pahalagahan ang mahalaga sa Bini, di ata nyo deserve ang Bini.”
“Exactly parang affected na Ang girls sa iBang fan’s na Ang harsh na magsalita at kung magmura masakit un sa bini dahil pamilya nila ang management nila.”
“Mabuti Kung ganon Kung d pa ipa billboard ng blooms at protest truck d kayo aaksyon eh kahapon payang issue no. 1 trending in Philippines.”