USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens sa social media ang cryptic post ng writer at direktor na si Darryl Yap na may konek sa “abortion.”
Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa sa Facebook post ni Direk Darryl kung sino nga ba ang tinutukoy nitong artista na nagpalaglag daw.
Pa-blind item ang ibinahaging post ng “Maid in Malacañang” director na nagsasabing, “Kapag artista ka tapos nagpalaglag ka sa Singapore bawal magpakacool.”
Sinundan pa niya ito ng isa pang post kalakip ang litrato ng isang tila tiyanak na napanood sa isang horror movie ng Regal Films. Hirit ng direktor, “Shimenet like me but she’ll never forget. Bahala kayo riyan.”
Baka Bet Mo: Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa
Sandamakmak na comments ang nabasa namin sa FB post ni Direk Darryl at karamihan ay nagtatanong kung sino nga ba ang artistang pinatutungkulan niya na nagpalaglag sa Singapore.
“Dapat gawan mo ng horror movie ito direk Darryl Yap. to na lang yung MAM, na ipalit mo. MABUHAY ANAK MABUHAY.”
“Grabe ang plot twist neto dinaig pa si Mo Twister ”
“Mainiti init na issue sa Malamig na panahon!!! Sakto saktong taming ni Ate… Karamihan Ng tao as Bahay naka tutok sa phone o nak online.”
“Hala bat nmn pinalaglag. kahawig nga nung isang DJ.”
“Kaloka kakagulat naman ‘to…Eyyyyyyy SHIMENET ka talaga. Malayo pa nov.1 derek Darryl Yap.”
“Ayan, kasi siguraduhin niyo na kapag mag bato kayo ng masama, walang masama na maibabato sa nyo.”
Baka Bet Mo: Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!
Samantala, may mga nag-tag naman ng post ni Darryl sa Kapuso star na si Rhian Ramos at ilan sa mga nagkomento ay nabanggit din ang name ng dalaga.
Konektado umano ito sa inilabas ni Rhian na video kung saan naki-ride nga siya sa viral “shiminet like” statement ni Vice President Sara Duterte sa naganap na Senate hearing kamakailan.
Ang feeling ng mga FB followers ni Direk Darryl ay ang Kapuso actress ang kanyang pinatatamaan sa dalawa niyang post dahil nga sumabay ito sa pinag-uusapang “shiminet” video ni Rhian sa FB.
Sagot naman ng direktor hinggil dito, “Kalma tayo. RIYAN, kasi O ang last letter. Wag kayong maissue.” Na ang tinutukoy ay ang nabanggit nga niyang “riyan” sa kanyang cryptic post.
Mababasa pa sa ibinahagi niyang image ang tungkol sa paggamit ng “r” at “d” sa pagbuo ng pangungusap, “Tandaan na ang ‘d’ ay nagiging ‘r’ kapag ang salitang nasa unahan nito ay patinig.”
Matatandaang ni-reveal noon ni DJ Mo Twister na ipina-abort umano nila ng dating karelasyon ang kanilang anak sa Singapore. Kabilang ito sa controversial video diary na kumalat sa social media mahigit isang dekada na ang nakararaan.
Sa panayam naman noon ni Pia Gianio para sa “24 Oras” umiiyak na sabi ni Rhian sa mga rebelasyon ni DJ Mo, “I was very shocked and very hurt, I couldn’t believe what I was seeing. I could not believe that he would say all those things about me and make (that kind of) video about me.
“Hindi ako nakinig, eh. I just really liked him, I guess I was being blind. Ah, I don’t know, you learn your lesson after naman, eh. I came to know him in a completely different way. He became like a very different person.
“Every time I tried to split from him, he would get really mad or threaten me. I think the most painful time was when he outright told me, ‘I promise to take everything you love away from you.’
“’Yun ba ‘yung love? Tatakutin ka, iti-threaten ka? Sisirain ka? Para ano, para sa kanya ka lang?” ang sabi pa ni Rhian sa naturang interview.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang pahayag si Rhian sa mga nagkokonekta sa kanya sa cryptic post ni Darryl Yap. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng lahat ng taong involved sa isyu.