HAVEY na havey ang naging entry ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa nauusong “Shiminet” trend sa social media.
Nitong September 1, sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang ang isang video kunhg saan makikitang nili-lipsync niya ang “Shiminet” habang umaawra sa camera.
Caption ni Rhian, “She may like to stay home, but sometimes, #ShimenetLike….”
Para sa mga hindi pa aware sa “Shiminet” trend, ito ay hango sa naging sagot ni Vice president Sara Duterte habang siya ay tinatanong patungkol sa kanyang paggastos noong 2022 ng P125 million confidential funds sa loob lamang ng 11 days.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa 3 years na, balak na bang magpakasal?
“She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering,” sagot ng bise presidente.
Napagtripan ng mga netizens ang paraan ng pagkakabigkas ng bise presidente at ginawan ito ng remix na siyang ginagamit ng iba sa social media bilang content ng kanilang videos.
Isa na nga si Rhian sa mga personalidad na nakisali sa “Shiminet” trend.
Agad ngang umani ng komento mula sa madlang pipol ang naturang video ng Kapuso star.
“Officially crowned as MOTHER!! And if yuminetlike that then you can shiminetlike,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, ”Sige lang magiging kwento ka talaga nyan mareng Rhian HAHAHAHAH.”
“Ate yung sense of humor mo ah di pumapalya [emojis] serving face and gags hahahahaha,” sey ng isa.
Hirit pa ng isa, “Nako Rhian. nag hahanap ka talaga ng Gulo.”
Marami rin sa mga netizens na sumusuporta kay VP Sara Duterte ang bumatikos sa ginawa ng Kapuso actress.
“She’s still better than you! Proud here Bisaya.. the best parin ang mga Duterte! Mas matindi scandal nyo sa SG, elitistang cheap! Hahahaha,” sabi ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Nako pabibo naman tong mga artista na walanv nagawa sa bansa…hindi nga siguro kayang maging barangay tanod to sa brgy. Eh, VICE PRESIDENT pa kaya.”
Samantala, nauna na ring pinuna ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang ginawang pangungutya sa pagiging bisaya ni VP Sara.