‘Chloe San Jose’ nganga kay ‘Carlos Yulo’ matapos magbakbakan sa TV

'Chloe San Jose' nganga kay 'Carlos Yulo' matapos magbakbakan sa TV

Vice Ganda at ang impersonator nina Carlos Yulo at Chloe San Jose

SA unang pagkakataon ay nagbakbakan ang magdyowang “Carlos Yulo” at “Chloe San Jose” sa harap mismo ng sambayanang Filipino.

Nangyari ang nakakalokang sagupaan  sa premiere ng “Kalokalike Face 4” segment ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN kahapon, August 2.

Yes, mga ka-BANDERA, sa unang pagkakataon ay naglaban ang mga impersonator ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng controversial girlfriend niyang si Chloe San Jose.

In fairness, pak na pak ang gumagaya kay Caloy na si Andres Santos ng Marikina City dahil bukod sa ka-face na niya ang Pinoy champ ay kuhang-kuha rin niya ang galaw ay kilos ng binata.

Baka Bet Mo: Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

Ibinandera ng impersonator ni Caloy sa buong universe ang kanyang dance moves nang humataw ito sa stage with the “Maybe This Time” dance trend.

Pagkatapos ng kanyang performance ay inulit ng contestant ang hit na hit ngayong dance craze pero this time ay kasama na niya ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Sa panayam kay Andres, sinabi niya na ang kanyang mga kaibigan at kaklase ang unang nakapansin na malaki ang pagkakawig niya kay Carlos.


“Noong unang-una po, 2020 pa po ‘yun, may mga friends and classmate na po ako na nagsasabi na kamukha ko po talaga si Carlos Yulo,” kuwento ni Andres.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Bukod sa impersonator ni Chloe na si Kat mula sa Pasig City ay nakalaban din ni Andres sa pagsisimula ng “Kalokalike Face 4” ang gumagaya kay Ruru Madrid na si Kevin ng Quezon City.

Sa huli, nagwagi si Andres base sa nakuhang tatlong “Kalokalike” na hatol mula sa mga hurado na sina Jugs and Teddy, Rufa Mae Quinto at Bianca Umali.

Ang “Kalokalike” ay isang talent impersonation competition ng “It’s Showtime” na nagsimula noong 2012 at nagtagal hanggang 2015.

Nanalo rito sina Jonahan Garcia na nanggaya kay Christopher de Leon, Jennifer Catuyong, ang impersonator ni Nicki Minaj, at Daniel Aliermo na nag-impersonate naman kay Vice Ganda.

Read more...