Mga ‘nambababoy’ sa BINI sa social media kakasuhan ng Star Magic

Mga 'nambababoy' sa BINI sa social media kakasuhan ng Star Magic

BINI

HINAHANTING na ng Star Magic ang mga taong gumagawa at nagpapakalat ng mga pekeng litrato at video ng ilang miyembro ng P-pop group na BINI.

Pananagutin ng talent management ng ABS-CBN ang nagpo-post ng mga malilisyosong “deepfake” o mga “digitally altered” video ng Nation’s Girl Group na kumakalat ngayon sa social media.

Ito’y sa gitna na rin ng panawagan ng mga fans ng BINI (Blooms) na protektahan ang kanilang mga idolo laban sa mga taong nambabastos at nambababoy sa all-female group.

Baka Bet Mo: Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome!

“It has come to our attention that there are malicious, edited deepfake photos and videos of BINI members circulating on social media,” ang bahagi ng official statement ng Star Magic na naka-post sa social media accounts ng BINI.

“We strongly condemn these harmful acts. Our team has already taken action to remove some of these accounts.


“We are working with the proper government agencies and authorities to identify the individuals behind these acts and pursue legal action.

Baka Bet Mo: Tirso Cruz III, Ogie Diaz biktima rin ng mga scammer sa socmed, binalaan ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng produkto online

“We will continue to monitor and take all necessary measures against any form of exploitation or harassment,” ang pagbabanta pa ng Star Magic na pinamumunuan ni Lauren Dyogi.

Nitong nagdaang June, nagsampa ang grupong BGYO ng cyberlibel at unjust vexation complaint laban sa ilang indibidwal na nagpapakalat ng fake news sa social media.

May mga netizens kasi na hindi tumitigil sa pagpo-post ng pekeng balita at mali-maling impormasyon laban sa mga member ng BGYO, kabilang na riyan ang isyu ng cheating, bullying at paggamit umano ng drugs.

Read more...