BONGGA! Wagi ang comedienne-influencer na si Kiray Celis sa katatapos lamang na Wu Wei Taipei International Film Festival 2024.
Naiuwi ni Kiray ang Breakthrough Performance Award sa naturang international film festival para sa natatangi niyang performance sa pelikulang “Malditas in Maldives.”
Nakasama ng komedyana sa nasabing award-winning film na idinirek ni Njel de Mesa si Arci Muñoz at ang dating beauty queen at Vivamax star na si Janelle Tee.
Baka Bet Mo: Lea may tips sa mga gustong maging singer; Alden, Jennylyn wagi sa 2nd VP Choice Awards
Masayang ibinahagi ni Kiray ang natanggap na parangal sa kanyang Instagram account kung saan ibinandera niya ang napanalunang trophy.
Ayon sa dalaga, pagkatapos niyang manalo ng una niyang international award sa Jinseo Arigato International Film Festival noong May, 2024 para rin sa “Malditas in Maldives” ay hindi nina in-expect na may kasunod agad.
Suot ang classic and sosyalerang black ensemble for her OOTD, narito ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post.
“Nu’ng nanalo ako sa Japan ng first international award ko, sobrang thankful na ko! Ni hindi na pumasok sa isip ko na sana may kasunod pa,” ani Kiray.
Mas tumindi pa raw ang kaligayahan at excitement na nararamdaman ni Kiray nang manalo ring Best Picture ang kanilang pelikula sa Wu Wei Taipei International Film Festival 2024.
“Tapos nanalo pa ng Best picture yung movie namin. Huhu! Maraming maraming salamat, Ndm studios family. Direk @njeldemesa, ms jan at sa lahat. Mahal na mahal ko kayo!” sey pa ng komedyana.
Bukod kay Kiray, wagi rin sa nasabing filmfest ang singer-actor na si Gerald Santos at ang Vivamax Queen na si Angeli Khang.
Sabi ni Gerald sa kanyang social media post, “Won ‘Best Actor in a Movie Musical’ for my movie ‘Al Coda’ at the WU WEI Taipei International Film Festival yesterday! What a great blessing after the storm! Thank you Wu Wei Taipei International Film Festival for this! What an honor! Thank you, Lord.”
Ibinandera rin ni Angeli sa Instagram ang napanalunang award sa naturang international filmfest para sa performance niya sa Vivamax Original Movie na “Silip Sa Apoy.”
“I remember, just last month. I told in an interview that my dream is to have an award. Finally! Thank you Taipei International Film Festival,” sabi ng sexy actress.