PBBM: ‘Kung maaari bago tayo matulog, alam na kung may pasok bukas o wala’

PBBM: ‘Kung maaari bago tayo matulog, alam na kung may pasok bukas o wala’

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

INIUTOS na ni Pangulong Bongbong Marcos ang agarang anunsyo tungkol sa pagsuspinde ng trabaho at klase para bukas, September 3.

Ito ay sa gitna ng mataas na posibilidad na lalong lumakas ang Bagyong Enteng sa mga susunod na oras.

Ayon sa presidente, ito ay para makapag-adjust agad ang mga apektadong kababayan.

“We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow,” sey ni Marcos sa isang ambush interview na iniulat ng INQUIRER.net.

Saad pa niya, “Ang instruction ko sa kanila, kung maaari bago tayo matulog, [ay] alam na natin kung may pasok bukas o hindi.”

“Para makapag-adjust naman ‘yung mga tao,” aniya pa.

Baka Bet Mo: PBBM binuking relasyon nina Josh, Bimby kay FL Liza: She’s their aunt!

Tiniyak rin ng chief executive na nakahanda na ang operating procedures ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

“We’re prepared for the aftermath of all of this, and as usual nag-forward placement na tayo ng mga pangangailangan, we will just have to wait for the weather to see what it will do,” sambit ni Marcos.

Dagdag niya, “Hopefully umiwas sa atin but even if it does not, we have all the elements in place to support our people na magiging, mahihirapan dahil dito sa naging [Tropical Storm] Enteng.”

Base sa 5 p.m. weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyan nang hinahagupit ng Bagyong Enteng ang Quirino province matapos mag-landfall sa Casiguran, Aurora.

Nabawasan ang mga lugar sa Luzon na nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, habang dumami ang mga inilagay sa Signal No. 1.

Narito na ang mga nasa Signal No. 2: Ilocos Norte, Apayao, eastern portion of Kalinga, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, at northern portion of Aurora.

Ang mga nasa Signal No. 1 naman ay ang mga sumusunod: Batanes, Ilocos Sur, La Union, eastern portion of Pangasinan, Abra, the rest of Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, the rest of Aurora, Nueva Ecija, eastern portion of Bulacan, Metro Manila, Rizal, northeastern portion of Laguna at northern portion of Quezon including Polillo Islands.

Read more...