Joshua nag-breakdown sa BTS ng ‘Un/Happy For You’: ‘He couldn’t stop crying’

Joshua nag-breakdown sa BTS ng ‘Un/Happy For You’: 'He couldn’t stop crying'

PHOTOS: Instagram/@garciajoshuae, @starmagic

HINDI na-control at tuluyan nang na-carried away ang aktor na si Joshua Garcia habang nasa taping ng pelikulang “Un/Happy For You” katambal si Julia Barretto.

Ito ang ni-reveal ng Star Cinema sa isang Instagram post na ibinandera ang ilang behind-the scenes pictures.

Ramdam ang pagiging emosyonal ni Joshua sa eksena na makikitang hindi tumigil sa paghagulgol sa pag-iyak ang Kapamilya actor, habang nakayakap sa co-star na si Nonie Buencamino.

“Joshua Garcia couldn’t stop crying in ‘Un/Happy For You’ behind the scenes,” caption sa post.

Wika pa, “Joshua’s dedication to his character, Juancho — a young chef grappling with the pain of his breakup with Zy (played by Julia Barretto) — is on full display.”

Baka Bet Mo: JoshLia movie mapanakit: Guguluhin namin ang buhay n’yo for 2 hours!

Ibinida rin ng film production company ang buong video ng nasabing heartbreaking rain scene.

Mapapanood na kahit nag-cut na ang direktor na si Peterson Vargas ay patuloy pa rin sa pag-iyak si Joshua.

“But the most heart-wrenching part was even after director Petersen Vargas called ‘Cut!’ Joshua couldn’t stop crying, which showed just how deeply he connected with the moment,” sey sa YouTube post.

  

Alam naman nating lahat na ang nasabing pelikula ay ang reunion project nina Joshua at Julia mula nang maghiwalay sila noong 2019.

Ang “Un/Happy For You” ay umiikot sa istorya ng isang Bicolano chef na si Juancho na muling nagbalik ang feelings para kay Zy sa kabila ng pagtatangkang paghihiganti sa nakaraan niyang heartbreak.

Dumaan man sa matinding kontrobersya sa tunay na buhay ang dalawang artista ay naging magkaibigan naman sila ngayon.

Sila ay masaya na rin sa kani-kanilang lovelife –matagal nang mag-dyowa sina Julia at Gerald Anderson, habang si Joshua ay nali-link sa internet personality na si Emilienne Vigier.

Read more...