Number coding sa NCR suspendido ngayong Sept. 2 dahil kay ‘Enteng’

Number coding sa NCR suspendido ngayong Sept. 2 dahil kay ‘Enteng’

WALA na munang number coding scheme sa Metro Manila ngayong araw, September 2.

Ito ay dahil sa malakas at patuloy na pag-uulan na dulot ng Bagyong Enteng at Habagat, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“In view of the inclement weather brought about by typhoon Enteng and southwest monsoon, the Unified Vehicular Volume Reduction Program or Number Coding is suspended today, September 2,” sey ng ahensya sa isang advisory.

Magugunitang nauna nang sinuspinde ng Palasyo ang lahat ng klase sa Metro Manila, gayundin ang mga tanggapan ng ilang lokal na pamahalaan.

Baka Bet Mo: Walang pasok sa private at public school sa NCR dahil kay ‘Enteng’

Base sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 8 a.m., ang bagyong Enteng ay posibleng tumama sa Isabela o Cagayan kaya pinag-iingat na ang mga residente na naroon.

Nabanggit din ng weather bureau na inaasahang lalo pang lalakas ang bagyo sa mga susunod na araw kung saan ito ay pwedeng maging isang ganap na Typhoon.

As of this writing, sampung lugar sa Luzon ang nakataas na sa Tropical Wind Cyclone Signal No. 2.

Habang nananatili naman sa Signal No. 1 ang Metro Manila at ilan pang kalakip na lugar.

Read more...