MOTIVATED ang aktres na si Maja Salvador na ibalik ang kanyang seksing katawan –tatlong buwan matapos isilang ang first baby nila ng mister na si Rambo Nunez.
Sa pamamagitan ng Instagram Reels, ipinasilip ni Maja ang matinding workout session kasama ang sister-in-law na si Yanee Alvarez.
Inilarawan pa nga niya ito bilang “workout buddy” na nagbibigay inspirasyon sa kanya na magpursige sa pag-workout.
“Love you ate! You’re such an inspiration to me!” mensahe ng aktres sa kanyang hipag.
Chika pa niya, “Grabe ka after [four] kids oh!”
“Kaya naman lezzgow, Mama Maj!” ani pa ni Maja sa kanyang sarili.
Baka Bet Mo: Anne Curtis inalala ang life journey, feeling blessed sa ‘support system’: I find myself even more motivated!
Nag-reply naman sa kanya si Yanee sa comment section at sinabing: “Love you [red heart emojis].”
Ibinandera rin ng ilang fellow celebrity moms ang kanilang suporta kay Maja.
“Go Mamaaaa!!!! [fire emojis],” wika ni Iza Calzado.
Komento rin ni Ria Atayde na recently lang ay panay workout na rin bago manganak: “Go Mamaaa”
Kung matatandaan, dalawang beses ikinasal ang mag-asawang Maja at Rambo last year –ang una ay sa pamamagitan ng civil ceremony at ang sumunod ay sa Bali, Indonesia.
Disyembre ng nakaraang taon naman nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng anak.
Makalipas ang ilang araw, ibinalita ni Maja na muntikan nang mawala ang baby sa kanya bilang kinailangan niyang mag-undergo sa surgery dahil sa komplikasyon na nawalan siya ng maraming dugo.
“Sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery. That time sabi ko na lang sa sarili ko na I can’t do anything anymore. Ubos na ubos na lakas ko,” pag-alala niya.
Kwento pa ng celebrity mom, “I started praying Hail Mary, paulit-ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!”