Donny, Belle excited na sa bagong project together: ‘Vacation’s over!’

Donny, Belle excited na sa bagong project together: ‘Vacations over!’

PHOTO: Instagram/@donny

THE wait is over, mga ka-BANDERA! Dahil mukhang magbabalik tambalan na ang on-screen love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang “DonBelle.”

Kamakailan lang kasi, tila may pa-teaser sila sa kanilang fans para sa aabangang project together.

Sa pamamagitan ng joint Instagram post, makikita ang dalawa sa isang dinner table na naka-wacky pose.

Caption pa nila, “OKAYY vacations over…we miss ya.”

Hirit pa ng Kapamilya stars, “Btw cookin’ something up hope [you’re] ready [winking emoji].”

Bukod diyan, kapansin-pansin ang nilagay nilang clapper board emoji.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Ang post ng DonBelle ay agad na naging trending topic sa social media, lalong-lalo na sa X (dating Twitter).

At dahil din diyan, ibinandera ng maraming fans kung gaano sila ka-excited sa pamamagitan ng hashtag “DONBELLE NEW PROJECT.”

Magugunitang ang huling pinagbidahan ng dalawa ay ang drama romance series na “Can’t Buy Me Love” na natapos noong Mayo.

Ilan sa mga nakasama nila diyan ay sina Rowell Santiago, Agot Isidro, Ina Raymundo, Ruffa Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, Albie Casiño at Darren Espanto.

Sa dating interview, nauna nang nilinaw nina Donny at Belle na sa tuwing sila ay gagawa ng bagong proyekto ay hindi nila iniisip kung magiging patok ito sa marami.

Sa halip daw ay mas nais nilang gawin ang kanilang “best” sa bawat eksena.

“When you start a project, hindi mo naman alam kung magiging hit siya, if people will really watch it, if they’ll support it. So, we were really nervous, a bit of pressure. We were just hoping for the best, you know. Not having all those expectations,” paliwanag ng young actor.

Dagdag naman ng young actress, “Thinking about it, we’re done shooting and everything…There’s this sense of fulfillment na, wow, we were able to deliver a project.”

Read more...