Michael Sager umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Cassy Legaspi

Michael Sager umamin na sa tunay na 'relasyon' nila ni Cassy Legaspi

Michael Sager at Cassy Legaspi

FEELING blessed ang Kapuso Sparkle artist na si Michael Sager dahil nararamdaman naman niyang “boto” sa kanya ang parents ni Cassy Legaspi.

Marami ang naniniwala na may “something” na ngang namamagitan kina Michael at Cassy dahil sa kakaibang sweetness nila sa isa’t isa.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nabanggit ni Michael na hindi niya in-expect na mapapalapit din ang loob niya sa mga magulang ni Cassy na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Natanong ni Tito Boy ang binata kung paano niya ilalarawan ang lagay ngayon ng kanyang puso, ang mabilis niyang sagot ay, “It’s very happy.”

Baka Bet Mo: Darren Espanto, Cassy Legaspi nagkaaminan ng feelings sa isa’t isa: ‘We found so many things in common’

Hindi naman diretsong sinagot ng Kapuso young actor kung sila na nga ba ni Cassy tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.

Paliwanag ni Michael, “Being friends from ‘Tahanang Pinakamasaya,’ nag-co-host po kami doon, to having a ‘Regal Studio Presents’ episode with her. It’s great being able to work with her, to have her as a friend.”


Pero inamin niyang may “something special” talaga sa kanila ni Cassy.

At tungkol naman sa pakikitungo sa kanya ng parents ni Cassy, “Si Tita Mina, I first worked with her sa Abot-Kamay na Pangarap and I didn’t know na we will have a close relationship together. Same with Tito Z (Zoren).

Baka Bet Mo: Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

“And since I’m alone in the Philippines, my parents are in Canada, to me, they are parent figures and they always look out for me and I really appreciate that,” pahayag ng binata.

Sa hypothetical question kung tatanungin daw siya nina Carmina at Zoren kung mahal ba niya si Cassy, “yes” daw agad ang kanyang isasagot.

Sa kasalukuyan, very happy daw ang puso ni Michael at may something special umanong namamagitan sa kanila ni Cassy.

Kung matatandaang, sa guesting ni Michael noon sa “Sarap Di Ba?” ay sinabi niyang hindi imposibleng ma-fall siya kay Cassy dahil hindi raw ito mahirap mahalin at pakisamahan.

Read more...