Imee Marcos kay Quiboloy: Sumurender na lang nang maayos

Imee Marcos kay Quiboloy: Sumurender na lang nang maayos

NANAWAGAN si Sen. Imee Marcos sa founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na lamang sa kapulisan.

Sa media conference na dinaluhan ng senadora habang ito ay nasa Plaridel, Bulacan inamin niyang maski siya ay naniniwalang hindi katanggap-tanggap ang naging paraan ng pagsisilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy dahil maging ang mga miyembro ng KOJC ay nadadamay.

Lahad ni Sen. Imee, naniniwala siyang kaya ni Quiboloy at ng kanyang mga abogado na ipagtanggol ang sarili kaya sana raw ay sumuko na ito.

Ilang araw na rin kasing nasa compound ng KOJC ang mga pulis para halughugin ito at maisilbi ang warrant of arrest sa pastor ngunit hindi ito nagpapakita.

Baka Bet Mo: Imee Marcos pak na pak ang OOTD sa Sona 2024: Sang’gre yarn!?

“Well, ang pagkaalam ko ay talagang hindi ganiyan ang pagsisilbi ng warrant of arrest, kaya labis-labis ang pangyayari, na libo-libo [pulis] ang ipinadala ro’n. Eh palagay ko, kayang-kaya naman ni Pastor [Quiboloy] ang sarili niya, kasama ng kaniyang mga abogado, kaya hayaan na natin at kausapin natin ang tropa nila, na sana, sumurender na lang nang maayos,” saad ni Sen. Imee.

Pinagsabihan rin ng senadora ang mga otoridad na hindi najkakatulong ang karahasan sa pagkuha kay Quiboloy..

“At the same time, ‘yong ating kapulisan, hindi nakakatulong ‘yong ah… sistemang ganito, na masyado talagang marahas,” sey pa ni Sen. Imee.

Samantala, kahapon lamang nang mag-isyu ang Davao Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ng temporary protection order (TPO) na pabor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Read more...