ALIW na aliw ang madlang pipol sa pakiki-ride ni Vice Ganda sa viral video ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque.
Yes, updated pa rin ang Phenomenal Box-office Star sa mga nagaganap ngayon sa bansa, lalo na ang tungkol sa politika at iba pang socially relevant issues.
Baka Bet Mo: Ronnie ibinuking tunay na nangyari sa kanila ni Roque, nag-topless ba?
Nito nga lang nakaraang episode ng “It’s Showtime” ay muling nag-dialogue ang mga netizen ng, “Updated si Meme!” dahil nga sa mga pak na pak na hirit niya sa “EXpecially For You” segment ng kanilang noontime show.
May kinalaman ito sa “kadiliman versus kasamaan” viral video ni Atty. Harry Roque, matapos siyang ma-detain ng 24 oras sa House of Representatives dahil umano sa “pagsisinungaling.”
Sa August 26 episode ng “EXpecially For You”, ininterbyu ni Vice ang searcher na si Cary. Nang marinig ni Jhong Hilario ang name ng girl ay napakanta ito ng 80s hit ng Europe na “Carrie.”
Napatigil sandali si Vice at biglang humirit ng, “Cary na nagsabing, ‘Ito ang laban ng kadiliman at kasamaan!’”
Baka Bet Mo: Kuya Kim: May mga araw na parang nababalot ako ng kadiliman…
Tawanan naman ang mga co-hosts ni Vice sa show, lalo na si Jhong na na-gets agad ang punchline ng Unkabogable Star. Inulit pa ni Meme ang kanyang joke, “Si Cary.”
Na sinagot ni Jhong ng, “Hindi si Cary ‘yon!”
“Si Cary ba?” tanong uli ni Vice.
“Ibang Cary ‘yon,” paglilinaw uli ni Jhong.
“Si Cary Hoque,” birong hirit naman ni Vice na sinundan uli ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa audience.
Matatandaang nag-speech si Roque sa harap ng kanyang mga supporters nang makalaya sa detention center ng Congress.
“Hindi na po ito laban ng Duterte-Marcos. Ang laban po ngayon ay puwersa ng kadiliman laban sa puwersa ng….”
“Kasamaan!” ang sigaw naman ng mga tao sa harapan niya.
Agad naman itong itinama ni Roque at nagsabing, “Kabutihan!”
Mabilis na ginawan ng memes ng mga netizens ang naturang video na kinaaliwan ng mga nakabasa at nakapanood nito. Ang caption sa isang meme, “Wala po tayong winner tonight.”
Ni-repost din ito ng labor leader at dating presidential candidate na si Ka Leody De Guzman at nilagyan ng caption na, “Tanong: May ‘choice’ ba sa pagitan ng kadiliman at kasamaan?”
“Sagot: Wala!
“No to Marcos and Duterte. No to political dynasties. Give us a chance for a pro-worker, pro-poor government, not a choice for the lesser evil!” aniya pa.