Maria Ozawa ayaw sa lalaking sobrang conservative; naaliw kay David
SA lahat ng fans ng Japanese actress na si Maria Ozawa, knows n’yo ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki?
Sa guesting ng former adult film star sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya kung ano ba ang mga katangian ng lalaki na masasabi niyang green flags para pumasa sa kanyang panlasa.
Ayon kay Maria Ozawa, ang unang-unang nagpapa-turn on sa kanya bukod sa physical appearance ay mga lalaking naiintindihan ang pagiging independent ng mga kababaihan.
Baka Bet Mo: David inulan ng tukso dahil kay Maria Ozawa: Huli ka, Pambansang Ginoo!
Ayaw daw niya ang mga guys na sobrang conservative, “Well, it’s our culture, so I don’t want to say anything against it, but, you know, women are just supposed to be housewives in Japan.
View this post on Instagram
“They should stay at home. And those kind of mindset is okay because that’s their culture. I don’t mind at all.
“But for me, I want somebody who’ll be supportive with me,” paliwanag ng aktres na napapanood ngayon sa Kapuso series na “Pulang Araw” bilang si Haruka Tanaka, ang nanay ni Hiroshi Tanaka, played by David Licauco.
Speaking of David, naikuwento rin ni Maria ang unang pagtatagpo nila ni David sa set ng kanilang serye.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Maria Ozawa bet gumawa ng romcom, tututukan muna ang pagiging negosyante
Kung matatandaan, nag-viral noon ang video ng guesting ni David sa “Family Feud” kung saan “Maria Ozawa” ang agad niyang sagot sa tanong ni Dingdong Dantes na, “Magbigay ng kilalang Maria ____.”
Napanood ni Maria Ozawa ang naturang video clip, “It was so funny because before I met him, I think I saw one of the shows.
View this post on Instagram
“It was trending in Japan also, and then everybody was like, hashtag Maria Ozawa David in this TV show. And we were all, like, laughing about it,” aniya.
Nakatulong daw ito nang malaki sa kanila ni David dahil mabilis silang nakakonek sa kanilang mga karakter bilang mag-ina.
“It was really fun, and it was nice like we had something to talk about and I think we get along in a mother-son relationship,” sabi ni Maria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.